Sa yugto ng menopause, nakakaranas ang mga kababaihan ng mga hot flashes na siyang pinakakaraniwang sintomas ng menopause. Ang ilang mga kababaihan ay nagsasabing nakakaapekto ang hot flashes sa kanilang pangaraw-araw na mga gawain. Ang mga kababaihang menopause ay hindi lamang hot flashes ang nararanasan, kundi pati ang dry eyes.
Ang dry eyes ay isang kondisyon kung saan ang produksyon ng luha sa mata ay hindi na sapat upang mapadulas at manourish ang mga mata. And dry eye ay kadalasang nararanasan ng mga may mga edad na. Nauugnay din ito sa menopause. Sa kasamaang palad, ang hormone replacement therapy (HRT) ay hindi malulutas ang problema. Maaaring may mga pag-aaral na iminumungkahi ang maliit na pagpapabuti ng dry eyes gamit ang hormone therapy. Sa kabilang banda, ang ilang mga pag-aaral naman ay sinasabing mas mapapalala pa nito ang dry eyes at mga kalakip na sintomas ng kondisyon.
Bakit Nga Ba Natutuyo Ang Mata?
Magkakaiba ang paglalarawan ng mga kababaihan sa mga karanasan nila sa dry eyes. Ang ilang mga kababaihan ay nagsasabi na ang kanilang mga mata ay para bang tuyo, nagagasgas, irritated, at hindi komportable. Mayroong mga reklamo tungkol sa pagkakaroon ng pulang mata at mahapding sensasyon. Sa pagtatapos ng araw, maaari mo ring mapapansin na mas lumalala ang mga sintomas na ito kapag ginugol mo ang iyong oras sa pagtatrabaho sa computer o pagbabasa.
Maaaring maganap din ang malabong paningin kung ang iyong mga mata ay tuyo dahil sila ay magkaugnay. Kung mayroon kang hindi sapat na produksyon ng luha na kung saan ay masyadong natutuyo ang iyong mata, ito ay maaaring maging sanhi ng malabong paningin. Dahil dito, ang malabong paningin ay itinuturing na isa sa mga pangunahing sintomas ng dry eyes.
Mayroong maraming mga teorya hinggil sa dahilan sa likod ng dry eyes sa mga babaeng menopausal. Iminumungkahi ng mga doktor sa mata na ito ay dahil sa pagbawas ng mga hormone na may papel sa produksyon ng luha. Maaaring ang mga chemical signals na siyang responsable sa pagpapanatili ng malusog na tear film ay naaapektuhan ng pagbabago sa hormones ng mga babaeng menopausal. Kahit ano pa ang maging dahilan, ang dry eyes ay maaaring makaapekto sa kung paano mo gagampanan ang pang-araw-araw na mga gawain.
Paano Magagamot Ang Dry Eyes
Kung mayroon kang labis na dry eyes, maaari itong makapinsala sa iyong tisyu sa mata, paningin, at kornea. Upang maiwasan ang labis na dry eyes, kumonsulta kaagad sa iyong doktor. Maaaring magrekomenda ang doktor sa mata ng mga de-reseta at over-the-counter na eye drops, mga in-office procedures, warm compress, lid scurbs, o dietary supplements.
Nagkaroon na nga mga makabagong paggamot sa dry eyes. Ang mga taong nakakaranas ng dry eyes ay dapat na kumonsulta muna sa doktor sa mata bago sumubok magsuot ng contact lens. Kung ikaw ay nakakaranas ng menopausal dry eye, kumonsulta kaagad sa iyong doktor sa mata upang malaman ang pinakamainam na paggamot.