Mga Problemang Repraktibo (Mga Problema sa Paningin)

Ang mga repraktibong error tulad ng malabong paningin at hirap na pagfocus ay ilan sa mga “optical imperfections” na pumipigil na makakita nang malinaw ang isang indibidwal. Ang nangingibabaw na mga problemang rekratibo ay ang myopia (nearsightedness), hyperopia (farsightedness), at astigmatism.

Ang mga problemang repraktibo ay karaniwang naitatama sa tulong ng mga de-resetang salamin sa mata o contact lens. Para sa isang permanenteng solusyon, ang mga repraktibong operasyon o LASIK ay maaari ding pagpilian.

Refractive Errors (Vision Problems)

Paano Nga Ba Nakakakita Ang Mga Mata?

Nagsisimula ang paningin sa pagreflect ng mga light rays mula sa isang bagay at naglalakbay sa pamamagitan ng optical system ng mata kung saan ito ay nirerefract at finofocus. Upang makamit ang isang malinaw na paningin, ang punto ng pagfocus ay dapat nasa retina. Ang retina ay matatagpuan sa likod ng mata kung saan naririto ang mga light-sensitive cells (photoreceptors). Ang mga photoreceptors na ito ay nakakakuha ng mga imahe kapag naexpose sa ilaw at siyang ipinapadala sa optic nerve at sa utak para sa interpretasyon.

Katulad ng kung paano inaayos ng camera aperture ang dami ng ilaw, ang pupil ng mga mata ay gumagawa ng kaparehong aksyon sa pagliit o constrict at paglaki o dilate nito upang ayusin ang dami ng ilaw na pumapasok sa retina. Sa madilim na kapaligiran, lumalawak o nagdadilate ang pupil. Sa maliwanag na kundisyon, ang pupil ay lumiliit o nagcoconstrict.

Mga Sanhi ng Refractive Error

Ang kakayahan ng mata na maayos na ibahin ang dami ng ilaw o ituon ang ilaw sa retina ay nakasalalay sa tatlong anatomikong katangian ng mata:

Ang haba ng mata. Kung ang mata ay labis na mahaba, ang ilaw ay nakatuon agad bago pa ito umabot sa retina, na humahantong sa farsightedness o malinaw na paningin sa malayo. Samakatuwid, kung ang mata ay masyadong maikli, ang ilaw ay hindi parin maitutuon nang maayos bago pa umabot sa retina, na nagiging sanhi ng nearsightedness o malinaw na paninging sa malapitan lamang.

Kurbada ng kornea. Kung ang kornea ay hindi spherical, ang imahe na narerefract o nafofocus ay nagiging malabo, na nagiging sanhi ng astigmatism.

Ang kurbada ng lente. Kung ang lens ay matalim ang hubog, ito ay magiging sanhi ng nearsightedness. Kung ang lens naman ay labis na patag o flat, ang kakalabasan nito ay farsightedness.

Ang mas kumplikadong mga error sa paningin na kilala bilang mga higher order aberrations ay naiuugnay din sa kung paano ang ilaw ay narerefract habang ipinapadala ito sa optikong sistema.

Refractive Errors (Vision Problems)

Pagsusuri at Paggamot Ng Mga Repraktibong Error

Ang isang pagsusuring repraktibo ay maaaring gawin ng iyong doktor sa mata upang matukoy ang uri at antas ng repraktibong error na maaaring mayroon ka. Maaari itong magawa sa pamamagitan ng isang phoropter o automated refraction. Ang mga resultang ng pagsusuring ito ay maaaring makatulong sa pagtuklas ng iba pang mga problemang repraktibo na maaaring mayroon ang isang indibidwal tulad ng myopia at astigmatism.

Ang mga resulta ay maaari ding gamitin upang matukoy ang reseta ng salamin sa mata ngunit hindi ito akma para sa contact lens. Ang mga salamin sa mata at contact lens ay gawa sa tumpak na mga kurba upang marefract ang ilaw sa naaangkop na degree na kinakailangan upang maitama ang mga repraktibong error at maihatid ang tamang dami ng ilaw sa retina.

Nilalayon ng LASIK at iba pang mga operasyon repraktibo na iwasto ang mga error sa pamamagitan ng pagbabago ng hugis ng kornea upang pahintulutan ang pagbend ng mga light rays sa mas tumpak na punto ng pagfocus sa retina.

Related Posts

Paano Gamutin ang Psoriasis sa Paligid ng Mata

Ang psoriasis ay isang inflammatory na sakit sa balat na maaaring makaapekto sa anumang bahagi...

Ano ang mga Tuldok na Nakikita Ko Kapag Tumingala Ako sa Langit?

Maaari kang makakita ng maliliit na tuldok ng gumagalaw na liwanag kung titingin ka sa...
can false eyelashes cause eye infections

Maaari Bang Magdulot ng Mga Impeksyon sa Mata ang Hindi Tunay na Pilikmata?

Parehong pormal at kaswal na pampaganda ay nakikinabang sa pagdaragdag ng mga pekeng pilikmata. Higit...