Nakakasira Ba Ng Mata Ang Blue Light?

Ang tagal ng paggamit mo sa iyong mga device tulad ng mga computer, smartphone, at telebisyon, ay naglalantad sa iyong mga mata sa mga panganib ng blue light. Gayunpaman, kailangan pa ring patunayan ng agham na ang blue light ay nagdudulot ng pinsala sa mga mata.

Karaniwan, pagkatapos ng ilang oras na pagtitig sa iyong mga device, nagdudulot ito ng strain sa iyong mga mata na maaring humantong sa discomfort. Ito ang tinatawag nating digital eye strain. Nag-uugat ito sa pagbawas ng pagkurap ng mga mata kapag nakatutok sa screen. Ito ay nagpapatuyo ng mata at nagpapadama ng mas matinding pagod.

 

Ano Ang Mga Panganib Ng Blue Light?

Maaaring makaapekto ang blue light sa iyong natural na body clock. Ang liwanag na inilalabas ng digital na screen ay nagpapanatili sa katawan na alerto at gising, kaya naman ang sobrang blue light sa gabi ay nagpapahirap sa pagtulog. Kung makaranas ka ng mga problema sa pagtulog, subukang bawasan ang oras ng iyong screen time bago matulog at itakda ang iyong screen sa warmer light setting. Maaari mong isaayos ang mga setting ng iyong device upang bawasan ang paglabas ng blue light mula sa iyong screen.

Napatunayan ng agham na ang sobrang pagkakalantad ng ultraviolet light mula sa araw ay nagdaragdag ng mga panganib para sa mga sakit sa mata. Gayunpaman, ang mga panganib para sa mga sakit na dulot ng labis na pagkakalantad sa blue light ay nangangailangan pa rin ng karagdagang pagsisiyasat. Ngunit, ang pinakamagandang bagay na dapat gawin ngayon ay ang sumunod sa mga hakbang sa pag-iwas laban sa blue light kahit pa mayroon itong kakulangan sa ebidensya tungkol sa mga nakakapinsalang epekto nito.

nakakasira ba ng mata ang blue light

Paano Pigilan Ang Pananakit Ng Mata Mula Sa Blue Light

Upang maiwasan ang pagkapagod ng mata mula sa blue light, magpahinga, at sundin ang panuntunang “20-20-20”. Nangangahulugan ito na bawat 20 minuto, dapat kang tumingin sa malayo sa isang bagay na hindi bababa sa 20 talampakan ang layo mula sa iyo nang hindi bababa sa 20 segundo. Para sa mga tuyong mata, gumamit ng artipisyal na luha para sa dagdag na moisturization.

Mag-ingat sa mga eyewear na nagsasabing pinoprotektahan ang iyong mga mata mula sa blue light. Ang mga ito ay hindi pa napatunayang mabisa gaya ng sinabi ng American Academy of Ophthalmology. Ang kasalukuyang ebidensya ay hindi maaaring patunayan ang kakayahan ng blue-light-blocking lens na protektahan ang retina. Ang mga maling advertisement ay nahaharap sa nararapat na mga multa at mga parusa para sa mga mapanlinlang na pahayag tungkol sa kapangyarihan ng mga blue-light-blocking lens.

nakakasira ba ng mata ang blue light

Konklusyon

Wala pang sapat na katibayan na ang blue light mula sa mga device ay maaaring magdulot ng mas mataas na panganib ng macular degeneration o direktang makapinsala sa iyong visual acuity. Gayunpaman, ang lahat ng labis ay nakakapinsala. Ang sobrang paggamit ng mga digital na device ay maaaring makagambala sa pagtulog at higit pang makasira sa iyong pangkalahatang kalusugan na nakakaapekto sa iyong mga mata. Kung nakakaranas ka ng anumang patuloy na abala sa pagtulog o nahaharap sa iba pang mga discomfort na may kaugnayan sa pagkakalantad sa blue light mula sa iyong mga device, makipag-usap kaagad sa iyong doktor.

Related Posts

Posible Ba ang Transplant ng Buong Mata ng Tao

Posible Ba ang Transplant ng Buong Mata ng Tao?

Sa loob ng maraming siglo, sinusubukan ng mga siyentipiko na magtagumpay sa transplant ng mata....

Ang Epekto ng Aktibidad Sekswal sa Paningin

Hindi lahat ng tao ay pamilyar sa mga dokumentadong benepisyo ng positibong mga desisyon sa...
High Cholesterol and Its Effect on Vision

Mataas na Cholesterol at ang Epekto Nito sa Paningin

Alam mo ba kung gaano kataas ang cholesterol mo? Marami sa atin ang marahil hindi...