Nakakagambala sa pagkilos ang paningin na biglaang lumabo. Maaaring nagpapahiwatig ito ng pagbuo ng isang macular hole.
Ang macula ay isang maliit na bahagi sa retina na nasa likod na bahagi ng mata. Naglalaman ang macula ng mga cells na sensitibo sa ilaw na tinatawag na mga cones at rods na siyang responsable para sa pang-araw at pang-gabing paningin.
Ang mga macular holes ay madalas na nauugnay sa pagtanda na nakakaapekto sa mga taong higit sa edad na 60. Kapag may namuong macular holes, maaaring makaranas ng biglaang paglabo ng paningin. Ang mga macular holes ay naiiba sa macular degeneration at mayroon silang mga sanhi na kinabibilangan ng:
● Humiwalay o detached na retina
● Diabetic eye disease
● Mataas na antas ng nearsightedness (myopia)
● Pagliit o paghiwalay ng vitreous
● Macular pucker
● Best’s disease
● Eye injury
Ang vitreous body o ang malinaw na mala-gel na likido na pumupuno sa mata at pinapanatili ang hugis nito ay nagiging mas likido sa pagtanda. Ito ay sanhi ng pag-urong nito at paghila sa retina na nagdudulot ng mga punit at butas. Kung ang mga butas at punit na ito sa retina ay nangyari sa bahagi ng macula, ito ay tinatawag na macular hole.
Pagprogreso Ng Macular Hole
Ang mga macular holes ay nangyayari sa tatlong yugto:
Foveal detachments – halos 50% ay lumalala nang walang paggamot.
Partial-thickness holes – halos 70% ay lumalala nang walang paggamot.
Full-thickness holes – pinaka lumalala nang walang paggamot.
Ang ilang mga kaso ng macular holes ay nalulutas nang walang paggamot, ngunit ang karamihan ay nangangailangan ng interbensyong medikal upang maiwasan ang pagkabulag.
Paggamot At Pag-opera Sa Macular Hole
Ang pinakakaraniwang paggamot upang maayos ang mga macular holes ay vitrectomy. Ang operasyong ito ay tinatanggal ang vitreous gel upang hadlangan ito mula sa paghila sa retina. Pagkatapos, isang hinalong hangin at gas ang ipinapasok sa mata bilang halili sa vitreous body na inalis. Ito ang siyang magbibigay ng tamang pressure sa mga dulo ng macular holes upang pagalingin ang mga ito.
Habang ginagawa ng bubble ang trabaho nito, kinakailangang manatiling nakayuko buong magdamag upang mapanatili sa tamang lugar and bubble at ito ay maaring tumagal ng 2-3 linggo. Maaaring maging napakahirap ang panatilihang nakayuko sa loob ng mahabang panahon, ngunit ito ang tanging hakbang upang makamit ang pinakamahusay na epekto sa paningin matapos mabuo ang isang macular hole.
Ang gas at air bubble na ito ay dahan-dahang mawawala sa paglipas ng panahon at papalitan ng natural na likido sa mata habang nagpapagaling ang macular holes. Ang impeksyon, katarata, at retinal detachment ay ilan sa mga panganib na dapat mong bantayan matapos ang vitreous na operasyon. Sa kabutihang palad, lahat ito ay nagagamot.
Tandaan na ang paglalakbay ay ipinagbabawal sa loob ng ilang buwan sa taong sumailalim sa operasyon ng macular hole. Ito ay dahil ang gas bubble ay maaaring mapalawak sa mga pagbabago sa presyon tulad sa pag-angat ng eroplano at maging sanhi ng pagkasira ng mata.
Ang mga taong nagkaroon ng macular hole sa isang mata ay may 10% posibilidad na magkaroon ng isa pang macular hole sa kabilang mata. Samakatuwid, lubos na inirerekumenda na sumailalim sa regular na mga pagsusuri sa mata upang matukoy ang mga komplikasyon nang maaga hangga’t maaari.