Habang nagbabago ang panahon, maaari kang makaranas ng iba’t ibang mga problema sa kalusugan. Pagdating ng tagsibol, nagiging uso ang iba’t ibang mga allergy na maaring makapagpahirap huminga, makaramdam ng pananakit ng ulo, at pangangati at pamamaga ng mata. Ang mga allergy sa mata ay kilala rin bilang allergic conjunctivitis na karaniwang natitrigger ng mga irritants.
Ang allergen ay ang term na ginagamit para sa mga irritants na maaring makatrigger ng allergy tulad ng mga balahibo ng mga hayop, alikabok, pollen, usok, pabango, o mga pagkain. Kung may kamalayan ka na sa mga allergens na nakakatrigger ng iyong allergy, importanteng malaman mo kung pano ito maiwasan at gamutin. Ang mga nasal allergies na nagreresulta sa makati at baradong ilong ay konektado rin sa mga ey allergies dahil madalas silang nararanasan nang sabay sa mga seasonal allergies.
Mga Sintomas
Ito ang pinakakaraniwang mga sintomas ng allergy sa mata:
● Pamumula
● Pamamaga
● Pangangati
● Mahapdi
● Pagluluha
● Pagkasensitibo
Ang mga sintomas na ito ay maaaring sinasamahan din ng mga nasal allergy tulad ng pagbahing, makati, at baradong ilong. Maaari ka ring makaranas ng pananakit ng ulo, sakit sa lalamunan, at pag-ubo. Paalala, ang mga eye allergy ay hindi maaaring makahawa sa ibang tao.
Paano Mapaginhawa Ang Allergies sa Mata
1. Ang pinakamahalagang gawin sa panahon ng tagsibol o anumang panahon ay iwasan ang mga irritants na maaring makatrigger ng iyong allergy. Ugaliing palitan ang mga HVAC filters ng mga aircondition upang maiwasan ang pagbuga ng mga alikabok. Alamin ang mga pollen levels bago luxabas ng bahai. Panatilihing mailings ang pamamahay at isara ang mga binana upang di makapasok ang mga alikabok o pollen.
2. Kung alam mo na ikaw ay madaling kapitan ng impeksyon sa mata na nauugnay sa allergy, huwag isuot ang iyong mga contact lens sa panahon ng tagsibol. Huwag sisihin ang mga contact lens dahil hindi sila sanhi ng mga sintomas ngunit maaari silang magpalala ng mga sintomas. Magsuot muna ng salamin sa mata pansamantala.
3. Magpatak ng saline solution sa iyong mata upang mabawasan pagkakalantad sa mga allergen.
4. Ang mga eye drops ay makakatulong upang maibsan ang discomfort sa mata na sanhi ng seasonal allergies. Kumunsulta sa iyong optometrist bago gamitin ang anumang gamot o pampatak sa iyong mata dahil mas alam nila kung ano ang pinakamahusay na produkto para sa iyong mga sintomas.
5. Ang pamumula at pamamaga ay maaaring mangyari kapag mayroon kang allergy sa mata, maaari mong subukan ang cold compress upang makaramdam ng ginhawa mula sa mga sintomas at mapabuti ang itsura ng balat sa paligid ng mga mata.
6. Hugasan ang iyong mga kamay at mukha nang madalas sa panahon ng allergy.
7. Gumamit ng mga sunglasses habang nasa labas ka upang maprotektahan ang iyong mga mata mula sa direktang pagkakalantad sa mga allergen. Kung nakasuot ka ng mga de-resetang salamin sa mata, maari ka ring gumamit ng mga de-resetang sunglasses para sa pagwawasto ng paningin at proteksyon sa araw.