Pagkilala Sa Strabismus

Ang strabismus ay tinatawag ding crossed eyes dahil ang dalawang mata ay hindi nakahanay nang maayos at hindi gumagana nang magkakasama.

Ang unilateral strabismus ay nangangahulugan na ang misalignment ay nakakaapekto sa iisang mata habang ang alternating strabismus naman ay kapag ang misalignment ay nagsasalitan sa dalawang mata. Maaari itong maging constant o intermittent.

Mga Uri ng Strabismus

Ang large-angle strabismus ay tumutukoy sa malaki at halatang misalignment ng mga mata. Ang uring ito ay walang mga sintomas tulad ng eye strain at headaches dahil walang pagsisikap ang utak na maituwid ang mga mata.

Ang matinding amblyopia ay maaaring maging resulta kung hindi agad maaagapan ang large-angle strabismus.

Ang small-angle strabismus ay tumutukoy sa hindi gaanong halata na misalignment ng mata. Ang ganitong uri ng strabismus ay nagdudulot ng mga sintomas sa paningin lalo kapag ito ay intermittent o pasulpot-sulpot lamang. Ang ilang mga sintomas na maaring lumabas ay sakit ng ulo, eye strain, kawalan ng kakayahang magbasa nang kumportable, pagkapagod kapag nagbabasa, at hindi stable na paningin.

Kung may parehong constant at unilateral na uri ng small-angle strabismus, maaring magdulot ito ng amblyopia.

Ang large-angle at small-angle strabismus ay maaaring makaapekto sa psychological state ng parehong matatanda at mga bata dahil maaaring mailang sila sa kawalan ng kakayahang makipag eye contact sa ibang mga tao.

strabismus

Mga Palatandaan At Sintomas Ng Strabismus

Ang pinaka-halatang palatandaan ng strabismus ay ang misalignment ng mga mata. Ang isang mata ay maaaring magmukhang paloob, palabas, pataas, pababa, o sa isang pahilig o oblique na anggulo. Mayroong iba’t ibang uri ng mga misalignment ng mata:

  • Nangangahulugan ang esotropia na ang isa mata ay papaloob na kilala rin sa tawag ng “cross-eyed”.
  • Ang exotropia ay nangangahulugang na ang isang mata ay papalabas na kilala rin sa tawag na “wall-eyed”.
  • Nangangahulugan ang hypertropia na ang isang mata ay pataas.
  • Ang hypotropia naman ay kapag ang isang mata ay pababa.

Ang intermittent crossed eyes ay karaniwan sa mga bagong silang na sanggol dahil mayroon silang hindi pa kumpletong pag-unlad ng paningin ngunit kadalasan itong nawawala habang ang visual system nila ay tumatanda.

Ang pinakamahusay na paraan upang makita ang strabismus ay sa pamamagitan ng regular na mga pagsusuri sa mata. Kung napansin ito nang maaga, mas kaunting problema ang maidudulot nito dahil maaring humantong sa amblyopia at diplopia kung hindi magagamot kaagad.

strabismus

Mga Sanhi Ng Strabismus

Kinokontrol ng extraocular muscles o ang anim na external muscles ng bawat mata ang position at paggalaw ng mga ito. Kapag mayroong neurological o anatomical na problema na pumipigil sa extraocular muscles na gumana nang maayos, nangyayari ang strabismus.

Ang genetics ay maaaring maging isa pang sanhi ng strabismus sapagkat kung ang ina o ama ay may strabismus, malamang na makuha rin ito ng anak.

Kung ginagamot ang strabismus, ang dalawang mata ay maaaring gumana nang maayos at may koordinasyon.

Related Posts

Tumutubo ba ang mga pilikmata kung hindi mo sinasadya na natanggal ang mga ito?

Araw-araw, karaniwang nawawala ang ilang hibla ng buhok natin na babalik pagkatapos ng ilang sandali....
Quando dovresti riprendere l'attività fisica dopo un intervento chirurgico agli occhi

Kailan Mo Dapat Ipagpatuloy ang Mga Pisikal na Aktibidad Pagkatapos ng Operasyon sa Mata?

Natural na mag-alala tungkol sa kung paano makakaapekto ang operasyon sa mata o isang problema...

Paano Gamutin ang Psoriasis sa Paligid ng Mata

Ang psoriasis ay isang inflammatory na sakit sa balat na maaaring makaapekto sa anumang bahagi...