Ang presbyopia ay isang kondisyon sa mata kung saan ang malabong paningin sa malapitan ng isang indibidwal ay dulot ng edad. Karaniwan itong nagsisimula sa edad na 40 at nakakaapekto sa lahat, kahit na sa mga hindi pa nagkakaroon ng mga problema sa paningin. Kahit na ang mga indibidwal na sumailalim sa LASIK o PRK dati ay maaari pa ring maapektuhan. Ang unti-unting pagkawala ng paningin ay maaaring makagambala sa ilang mga pang-araw-araw na gawain tulad ng pagbabasa at paggamit ng smartphone o computer.
Ang pagtanda ay tunay na isang bahagi ng biyolohikal na palaisipan na patuloy na naiisahan kahit na ang pinakamatatalinong kaisipan at ang pinakabagong teknolohiya. Ang magandang balita ay ang presbyopia ay maaaring madaling masuri sa pamamagitan ng refraction assessment. Tandaan na mayroon ding maraming mahuhusay na pagpipilian sa paggamot upang matulungan na ibalik ang malinaw na paningin sa malapitan.
Reading Glasses
Kung ang presbyopia ay ang solong problema sa paningin, ang mga reading glasses ay maaaring sapat na. Ang mga reading glasses ay nagkukurba at nagrerefract ng mga ilaw bago ito pumasok sa mata. Maaari silang bilhin nang walang reseta at ang tiyak na power na kinakailangan ay dapat na matukoy sa isang repraktibong pagsusuri.
Contact Lenses
Ang ilang mga tao na may iba pang mga problema sa paningin ay mas gusto ang pagsuot ng mga contact lens. Dalawang uri nito ang makakatulong sa pagwawasto ng presbyopia:
– Multifocal:
Ang mga lente na ito ay may maraming mga zone na itinakda sa iba’t ibang mga power. Ang isa ay gumagamit ng parehong pangmalapit at pangmalayuang paningin na nagreresulta sa utak na awtomatikong pumili ng tamang focus na kinakailangan upang makakita nang maayos. Bagaman ang monofocal lens ay mas makapagbibigay pa rin ng mas malinaw na paningin kumpara sa mga multifocal lens.
-Monovision:
Ang isang mata ay nakatakda para sa malapitang paningin at ang isa naman ay para sa pangmalayuang paningin. Kahit na ang dalawang mata ay patuloy na nagtutulungan bilang isang koponan, ang pangmalayuang paningin ay karaniwang hindi kasing linaw ng pangmalapitang paningin. Gayunpaman, ang mga monovision contact lens ay magandang subukan bago sumailalim sa conductive keratoplasty upang matiyak na ang pasyente ay angkop sa operasyon.
Photorefractive Keratectomy
Ang photorecfractive keratectomy o PRK ay hindi kabilang sa mga komplikasyon ng mga surgical flap (hindi katulad ng LASIK) dahil binubuo lamang ito ng mekanikal na pagtanggal ng corneal epithelium (surface cells), na sinusundan ng paggamit ng excimer laser upang alisin ang maliit na bahagi ng tisyu mula sa harap ng kornea. Pinapayagan nito ang mga light rays na magfocus nang maayos sa likod ng mata, ang retina. Kahit na ang paggaling mula sa PRK na operasyon ay mas matagal kaysa sa LASIK, dahil ang panlabas na layer ng kornea ay nangangailangan ng mas mahabang oras upang pagalingin, pinapanatili naman nito ang good surgical outcomes, na nagpapabuti visual acuity para sa parehong malapit at malayong paningin.
Monovision LASIK
Bagaman hindi magagamot ng LASIK ang ugat na sanhi ng presbyopia, may mga pagkakaiba-iba ng LASIK na makakatulong na mabawasan ang iyong pangangailangan para sa mga salamin sa mata o bifocals. Sa Monovision LASIK, ganap na naitatama ng doktor and pangmalayuang paningin ng isang mata (karaniwan sa dominant eye) at sadyang ginagawa ang non-dominant eye na bahagyang nearsighted. Nangunguna ang dominant eye sa pagbibigay ng malinaw na paningin sa distansya at ang non-dominant eye naman ay responsable sa malapitang paningin. Habang lubos na mabisa, ang monovision LASIK ay maaring maging sanhi ng isang antas ng anisometropia (dalawang mata na may hindi pantay na lakas). Sa may matataas na antas ng anisometropia, maaring mawalan ng depth perception (stereopsis) o contrast sensitivity. Tandaan din na ang pangmalayuang paningin ay karaniwang hindi gaanong malinaw pagkatapos ng Monovision dahil ang non-dominant eye ay nearsighted. Sa ilang mga kaso na higit na nais ang karagdagang kalinawan ng paningin sa distansya para sa mga tiyak na aktibidad (tulad ng pagmamaneho sa gabi), ang mga espesyal na salamin sa mata o contant lens ay maaaring ireseta upang maitama ang nearsightedness sa non-dominant eye.
PresbyLASIK
Ang PresbyLASIK ay isang operasyon na gumagamit ng multifocal excimer laser upang baguhin ang hubog ng kornea para sa parehong malapit at malayong paningin ng bawat mata. Lumilikha ang PresbyLASIK ng isang mas malawak na depth of field upang mapabuti ang visual acuity para sa parehong distansya. Nakakamit ito sa pamamagitan ng paglikha ng central hyper-positive na bahagi ng mata para sa malapit sa paningin at iniiwan ang paligid ng kornea para sa pangmalayuang paningin. Ang paggamot na ito ay napatunayang lubos na mapapabuti ang panignin sa parehong distansya sa mga prebyope.
Conductive Keratoplasty
Kilala rin bilang NearVision CK, ang conductive keratoplasty ay gumagamit ng enerhiya na radiofrequency upang maglapat ng init sa maliliit na mga spot sa paligid ng kornea. Ang init ay nagdudulot ng pag-urong nang bahagya ng gilid ng kornea na siyang nagdadagdag ng kurba o steepness at kakayahang tumuon ng kornea. Ang operasyon ito ay madalas na isinasagawa sa isang mata lamang, kaya ito ay itinuturing na isang anyo ng pagwawasto ng Monovision.
Refractive Lens Exchange
Ang refractive lens exchange (RLE) ay isang pamamaraan ng pagpalit ng artipisyal na mga lente sa natural lens ng mata. Ang paggamot gamit ang RLE para sa presbyopia ay katulad ng operasyon sa cataract. Ang isang artipisyal na intraocular lens (IOL) na ipinapalit sa natural lens ng mata ay magpapabuti ng pangmalapitang paningin at tumutulong na bawasan ang pagdepende ng indibidwal sa mga salamin sa mata. Ang RLE ay maaaring maging monovision na gumagamit ng distance-correcting lens sa isang mata at near-correcting lens naman sa isang mata. Maari din itong maging multifocal na diskarte kung saan ang mga lente ay nagbibigay ng pagwawasto ng paningin sa parehong distansya.
Corneal Inlays
Ang mga corneal inlay ay maliliit na implantable lens na inilalagay sa kornea upang mapabuti ang paningin na apektado ng presbyopia. Kasalukuyang mayroong dalawang corneal inlay na magagamit na aprubado ng FDA. Ang bawat isa ay gumagana sa isang bahagyang naiibang pamamaraan. Ang pinakamalawak na pinag-aralan na corneal inlay ay ang KAMRA inlay. Ito ay naaprubahan ng FDA noong Abril 2015. Ang KAMRA corneal inlay ay itinatanim sa hindi non-dominant eye kung saan ang disenyo nitong mala-pinhole ay nagpapalawak ng saklaw ng paningin ng pasyente mula malapit hanggang sa malayo.
Ang Raindrop Near Vision Inlay naman ay isang biocompatible hydrogel na idinisenyo upang malapit na matulad sa kornea ng tao. Ang Raindrop Inlay ay ginagamot ang presbyopia sa paraang katulad ng mga multifocal contact lens sa pamamagitan ng pagbabago ng kurbada ng mata. Kung hindi nasiyahan ang pasyente sa mga resulta ng mga corneal inlay, maaaring alisin ng doctor ang mga inlay at maaring muling pumili ng ibang pamamaraan ng paggamot ang pasyente.