Ang entropion ay karaniwang hindi maiiwasan. Maaari mong maiwasan ang uri na dala ng trachoma lamang. Kung ang iyong mga mata ay namumula at nangangati pagkatapos bumisita sa isang lugar kung saan laganap ang impeksyon sa trachoma, kumunsulta kaagad sa isang doktor para sa pagsusuri at paggamot.
Pagsusuri Ng Entropion
Ang entropion ay karaniwang nakikita sa panahon ng isang regular na pagsusuri sa mata at pisikal na pagsusuri. Maaaring hilahin ng iyong doktor ang iyong mga talukap sa panahon ng pagsusulit o hikayatin kang kumurap o ipikit nang mabilis ang iyong mga mata; ito ay nagpapahintulot sa kanya na pag-aralan ang posisyon ng iyong takipmata, pati na rin ang muscle tone at tension nito.
Susuriin ng iyong doktor ang nakapaligid na tissue kung ang iyong entropion ay sanhi ng scar tissue, nakaraang operasyon, o iba pang mga karamdaman.
Paggamot Sa Entropion
Ang sanhi ng iyong entropion ay ang tutukoy kung anong therapy ang gagamitin. Upang maibsan ang discomfort at protektahan ang iyong mata mula sa pinsala, mayroong mga non-surgical na paggamot na pagpipilian.
Kapag ang entropion ay sanhi ng aktibong pamamaga o impeksiyon, ang iyong talukap ay maaaring bumalik sa natural nitong pagkakahanay habang ginagamot mo ang namamagang mata. Maaaring magpatuloy ang entropion kahit na matapos magamot ang pinagbabatayan na karamdaman kung nagkaroon ng peklat ang tissue.
Sa karamihan ng mga kaso, ang operasyon ay kinakailangan upang ganap na gamutin ang entropion, gayunpaman, kung hindi mo matiis ang operasyon o kailangan mong ipagpaliban ito, ang mga panandaliang paggamot ay maaaring makatulong.
Mga Therapy
Soft contact lens. Upang makatulong na maibsan ang discomfort, maaaring irekomenda ng iyong doktor sa mata na gumamit ka ng soft contact lens bilang bendahe ng kornea. Maaari itong mabili nang may reseta o wala para sa mga pagwawastong repraktibo.
Botox. Ang ibabang talukap ng mata ay maaaring pumalabas pag nainjectionan ng botulinumtoxin (Botox). Maaaring kailanganin ang isang serye ng mga injection, na may mga epekto na tumatagal ng hanggang anim na buwan.
Mga tahi na ipapalabas ang mga talukap. Ang operasyong ito ay maaaring isagawa sa ilalim ng lokal na anesthesia sa opisina ng iyong doktor. Ang iyong doktor ay maglalapat ng maraming tahi sa mga partikular na lokasyon sa kahabaan ng may sakit na talukap ng mata pagkatapos itong pamanhidin.
Ang mga tahi ay nagiging sanhi ng paglabas ng talukap, at ang peklat na mabubuo ay papanatilihin palabas ang mga talukap matapos tanggalin ang tahi. Pagkalipas ng ilang buwan, maaaring bumalik muli ang iyong talukap papaloob. Bilang resulta, ang pamamaraang ito ay hindi isang pangmatagalang sagot.
Tape sa balat. Upang pigilan ang iyong talukap mula sa pagiging paloob, gumamit ng espesyal na transparent na tape sa balat.
Mga Operasyon
Malamang na tatanggalin ng iyong surgeon ang isang maliit na bahagi ng iyong ibabang talukap ng mata sa isang operasyon sa takipmata kung ang iyong entropion ay sanhi ng edad. Nakakatulong ito upang higpitan ang mga litid at muscles na nasira. Ang ilang mga tahi ay ilalagay sa panlabas na sulok ng iyong mata o sa ilalim lamang ng iyong ibabang takipmata.
Maaaring magsagawa ang iyong surgeon ng mucous membrane graft gamit ang tissue mula sa bubong ng iyong bibig o mga daanan sa ilong kung mayroon kang scar tissue sa loob ng iyong mga talukap, o kung nakaranas ka ng trauma o mga nakaraang operasyon.
Bibigyan ka ng lokal na anesthesia upang gawing manhid ang iyong talukap at ang lugar sa paligid nito bago ang operasyon. Pagkatapos, depende sa paggamot at kung ito ay ginawa sa isang outpatient surgical clinic, maaari kang isedate upang maging mas komportable ka.
Pagkatapos ng operasyon, maaaring masikip ang iyong talukap. Gayunpaman, ito ay magiging mas komportable habang ikaw ay gumaling. Mga isang linggo pagkatapos ng operasyon, ang mga tahi ay karaniwang tinatanggal. Sa humigit-kumulang dalawang linggo, ang pamamaga ng mata at pasa ay dapat mawala.