Posible Bang Magkaroon Ng Perpektong Paningin? | 20/20 Visual Acuity

Kung sinabi sa iyo ng iyong doktor na mayroon kang 20/20 na paningin pagkatapos ng isang pagsusuri sa mata, nangangahulugan ba ito na ang iyong paningin ay perpekto? Posible bang magkaroon ng mas mahusay na paningin kaysa sa 20/20 na paningin? Ano ba talaga ang “perpektong paningin”?

Suriin nating mabuti ang mga terminolohiya na nauugnay sa paningin upang higit na maunawaan natin kung paano sinusukat ng mga doktor sa mata ang paningin.

Ang Pagkakaiba Ng Visual Acuity, Eyesight, At Vision

Visual acuity. Nangangahulugan ito ng sharpness o katalasan ng iyong paningin. Ang mata ay sinusukat nang paisa-isa gamit ang isang standard eye chart. Sinusukat nito ang iyong kakayahang makita ang mga titik o numero sa Snellen’s chart mula sa isang tukoy na distansya ng pagtingin. Sinusuri din ang visual acuity sa ilalim ng mga high contrast conditions tulad ng mga itim na titik o numero laban sa puting background.

Gayunpaman, ang visual acuity ay hindi sumusuakt ng iyong pangkalahatang kalidad ng paningin lalo na sa:

  • may kulay na mga bagay
  • madilim na kondisyon
  • gumagalaw na mga bagay

Ang visual acuity ay natutukoy lamang ng tatlong pangunahing mga kadahilanan sa pisikal at neurolohikal:

  1. Ang accuracy ng kornea at lens na ifocus ang ilaw sa retina
  2. Ang pagiging sensitibo ng mga retinal nerves at vision centers ng utak
  3. Ang kapasidad ng utak na maintindihan ang impormasyon na nakikita ng mga mata

Eyesight. Ang eksaktong kahulugan ng eyesight ay hindi gaanong tiyak. Maaari nitong tukuyin bilang kakayahang makakita, paningin, saklaw ng paningin, o depende sa kung aling diksyunaryo ang ginagamit. Karaniwan, ang “paningin” at “visual acuity” ay maaaring gamitin nang palitan.

Vision. Ang term na ito ay mas malawak kaysa sa visual acuity at eyesight. Ito ay karaniwang tumutukoy sa mas malawak na hanay ng mga visual skills at abilities. Maaaring isama dito ang contrast sensitivity, ang kakayahang sundin ang mga gumagalaw na bagay na may mahusay at tumpak na paggalaw ng mata, color vision, bilis ng pag-focus at kawastuhan, depth perception, at marami pang iba.

Kung ang mas inclusive (at tumpak) na kahulugan ng “vision” ang gagamitin, ang madalas sabihin ng karamihan na “20/20 vision” ay dapat talagang tawaging “20/20 visual acuity.” Gayunpaman, ang terminong “20/20 vision” ay malamang hindi na mababago dahil sa karaniwang pagiintindi ng karamihan.

Ano Ang Ibig Sabihin Ng 20/20 Vision?

Ang 20/20 ay isang pagsukat ng visual acuity na kung saan ay tinatawag ding Snellen fractions, na ipinangalan ayon sa Snellen’s chart na inimbento ni Herman Snellen. Sa Snellen visual acuity system, ang numero sa itaas ay ang aktwal na distansya ng pagtingin sa tsart ng pasyente. Karaniwan itong 20 talampakan sa karamihan ng mga bansa.

Ang mga titik sa tsart ay nakaayos mula malaki hanggang maliit na sukat simula sa itaas. Habang bumababa ang mga titik sa laki bawat linya, ang mga sukat sa visual acuity ay lumalapit sa 20/20. Ang mga linya na may mas maliliit na titik kaysa sa linya na may sukat na 20/20 ay nangangahulugan ng visual acuity na mas mahusay kaysa sa 20/20.

Ang nag-iisang pinakamalaking letrang “E” sa pinakamataas na bahagi ng Snellen’s chart ay tumutugma sa 20/200 visual acuity. Kung ito ang nag-iisang titik na kaya mong basahin sa distansya ng 20 talampakan, ikaw ay itinuturing na legal na bulag o legally blind. Sa kabilang banda, ang huling linya na may pinakamaliit na titik ay tumutugma sa 20/10 visual acuity na dalawang beses na mas matalas sa 20/20 na paningin.

Posible Bang Magkaroon Ng Mas Mahusay Na Paningin Kaysa 20/20?

Tiyak na posibleng makakita ng mas mahusay kaysa sa 20/20 na paningin. Sa katunayan, ang mga taong may bata at malusog na mata ay madaling basahin ang ilan sa mga titik sa linya na 20/15 o kahit na mas maliit pang mga titik sa Snellen’s chart.

Gayunpaman, sa kabila ng pagkakaroon ng 20/20 paningin, maaari mo pa ring maramdaman na ito ay hindi sapat na matalas. Maaaring ito ay dahil ang iyong mga mata ay may higher-order aberrations (HOA) na mas kumplikadong mga problemang repraktibo tulad ng hindi mahinang paningin sa gabi at pagkakita ng mga glares o halos. Ang mga ito ay hindi madaling maitama sa mga regular na salamin o contact lens lamang.

Kung ang mga HOA ay sanhi ng mga deformidad sa iyong kornea, maaaring magreseta ang iyong doktor ng isang gas permeable contact lens (GP lenses). Ang mga ito ay gawa sa matibay na materyal na pansamantalang naitatama ang hugis ng iyong kornea magdamag upang mapabuti ang paningin kinabukasan. Ang pasadyang wavefront LASIK ay isa pang pagpipilian upang mas mapahusay ang paningin nang walang contact lens.

Kung mas nanaisin mo ang mga salamin sa mata, maaari kang gumamit ng mga high-definition na lente upang mabigyan ka ng mas matalas na paningin kaysa sa regular na mga salamin sa mata.

Ano Nga Ba Ang “Perpektong” Paningin?

Halos imposibleng matukoy ang eksaktong kahulugan ng “perpektong” paningin”. Ang isang mas tumpak na tanong ay “perpekto para sa ano?”

Halimbawa, ang isang perpektong paningin para sa isang maaraw na kapaligiran ay hindi isang 20/20 paningin na may mga problema sa pagkakita ng halos at mga glare. Ang mas mahusay na paningin sa ganitong paligid ay maaring mababang visual acuity pero mayroong polarized na salamin sa mata na may anti-reflective coating na nagdadagdag ng contrast at humaharang sa mga glare.

Ang perpektong paningin ay maaaring mangahulugan din ng mas mababang visual acuity kaysa sa 20/20 na paningin, ito ay maituturing na kahanga-hangang mga dynamic visual skills para sa isang atleta. Ito ay ang mahusay na pagsunog ng mga mata sa mabilis na paglipat ng mga bagay lalo na sa larangan ng sports.

Bisitahin Ang Iyong Eye Doctor

Ang pagkakaroon ng isang kwalipikado at mapagkakatiwalaang optalmolohista ay ang unang hakbang upang mas mapahusay at mas mapalinaw ang paningin sa karamihan ng mga sitwasyon. Ang mga komprehensibong pagsusuri sa mata at paningin ay ibinibigay upang ma-maximize ang kalinawan at ginhawa ng iyong paningin.

Kung hindi mo gusto ang pagsusuot ng mga contact lens o salamin sa mata, maaari kang makipag-usap sa isang bihasang doctor ng LASIK upang mahanap ang pinakamahusay na mga pagpipilian sa pagwawasto ng iyong paningin gamit ang laser.

Kung ang hangad mo ay mas mapakinabangan ang iyong dynamic vision skills para sa sports, maari kang bumisita sa isang spesyalista ng sports vision upang malaman nang higit pa ang mga posibleng sports vision training.

Panghuli, kung ang iyong anak ay mayroong 20/20 paningin ngunit nakararanas ng eye strain at iba pang mga problema sa panining, pinakamahusay na humingi ng payo mula sa espesyalista sa mata ng mga bata upang lubos na masolusyonan ang mga problema sa paningin na nauugnay sa pag-aaral.

Related Posts

can false eyelashes cause eye infections

Maaari Bang Magdulot ng Mga Impeksyon sa Mata ang Hindi Tunay na Pilikmata?

Parehong pormal at kaswal na pampaganda ay nakikinabang sa pagdaragdag ng mga pekeng pilikmata. Higit...

Pinoprotektahan ka ba ng Clear Sunglasses Mula sa Araw?

Ang mga salaming pang-araw ay kilala bilang tanyag na protective eyewear kung ginugugol mo ang...
polarized or gradient lenses

Aling Salamin Pang-araw ang Mas Maganda: Polarized o Gradient Lens?

Mayroong ilang mga pagpipilian sa sunglass na naaangkop sa iyong mga natatanging pangangailangan para sa...