Ang Mga Problema Sa Paningin Ng Mga Premature Na Sanggol Ay Maaring Maiwasan Gamit Ang Light Therapy

Natuklasan ng mga mananaliksik sa Cincinnati Children’s Hospital Medical Center na ang light therapy ay maaaring makatulong sa mga premature na sanggol na maiwasan ang mga problema sa paningin. Natuklasan nila ang isang light-dependent molecular pathway na kumokontrol kung paano nagdedevelop ang mga daluyan ng dugo sa mata.

Ang karagdagang mga pag-aaral ay nagpapahiwatig na ang light therapy ay maaaring makatulong sa mga premature na sanggol na labanan ang mga problema sa paningin habang nagdedevelop palang ang kanilang mga mata. Ang bagong tuklas na molecular process ay tumutulong na matiyak na ang pag-develop ng mga daluyan ng dugo sa mata ng sanggol ay balanse upang bigyan ito ng normal na visual function.

Light Therapy At Mga Problema Sa Paningin

Vision Problems of Premature Babies

Inaaral ng mga mananaliksik ang iba pang mga hakbang upang maiwasan o mapagaling ang mga sakit sa mata tulad ng retinopathy at myopia na sanhi ng prematurity.

Ayon kay Richard A. Lang, Ph.D., isa sa mga study senior author, “Ang aming pag-aaral ay nagpapahiwatig na ang opsin 5-dopamine pathway ay maaaring bahagi ng isang light-dependent na proseso ng sakit para sa mga kondisyon tulad ng myopia, na ngayon ay isang pandaigdigang epidemya.” “Ipinapahiwatig nito ang posibilidad na maaaring gamitin ang light exposure para magamot ang mga kondisyon kagaya ng retinopathy of prematurity matapos isilang ang premature na sanggol o mga taong mayroong myopia.”

Pag-iwas Sa Mga Problema Sa Paningin

Vision Problems of Premature Babies

Sa eksperimento sa postnatal eye development ng mga daga, ipinakita ng mga mananaliksik sa kanilang mga modelong daga na ang mga light response sa retina ng opsin 5 ay kumokontrol sa pagbuo ng postnatal eye para sa high acuity vision. Ang opsin 5 ay isang protina na nirerepresenta bilang special photoreceptor cells sa retina. Kasama ang neurotransmitter na dopamine, ang opsin 5 ay kinokontrol ang balanseng vascular development ng mata.

Binago ng mga mananaliksik ang mga modelong daga upang maipakita kung ano ang gagawin ng pagkawala ng opsin 5 sa pagpapaunlad ng paningin. Ang mga dagang walang OPN5 sa retina ay nagkaraoon ng mabilis na pagregress ng mga hyaloid blood vessels sa mga nagdedevelop na mga mata. Nagresulta ito sa paghadlang sa normal na pagdevelop ng mata.

Paglilinaw Sa Suliranin

Upang suriin ang epekto ng light stimulation, gumamit ang mga mananaliksik ng 380-nanometer na violet-colored na ilaw upang mastimulate ang pagsignal gamit ang opsin 5. Nabawasan nito ang mga dopamine levels sa mata at ang iba’t ibang mga molecular changes at nakatulong na maibalik ang wastong mga timing cues para sa balanseng vascular development.

Ang mga naunang pagsasaliksik ay ipinahiwatig na ang violet light at dopamine ay maaring kritikal na mga regulator sa pagdevelop ng paningin. Bagaman ang mga ito ay ginawa lamang sa mga daga at hindi pa napatunayan at nasubok sa mga tao, lalo na sa mga premature na sanggol, ang nakolektang data ay nag-aambag sa karagdagang mga pagsulong sa medisina. Ipinapakita ng pag-aaral na ang balanseng koordinasyon sa opsin 5-dopamine pathway ay mahalaga sa malusog na pag-unlad ng mata sa mga sanggol na daga, at marahil sa mga sanggol na tao rin.

Related Posts

Tumutubo ba ang mga pilikmata kung hindi mo sinasadya na natanggal ang mga ito?

Araw-araw, karaniwang nawawala ang ilang hibla ng buhok natin na babalik pagkatapos ng ilang sandali....
Quando dovresti riprendere l'attività fisica dopo un intervento chirurgico agli occhi

Kailan Mo Dapat Ipagpatuloy ang Mga Pisikal na Aktibidad Pagkatapos ng Operasyon sa Mata?

Natural na mag-alala tungkol sa kung paano makakaapekto ang operasyon sa mata o isang problema...

Paano Gamutin ang Psoriasis sa Paligid ng Mata

Ang psoriasis ay isang inflammatory na sakit sa balat na maaaring makaapekto sa anumang bahagi...