Ano Ang Choroidal Neovascular Membranes?

Ang isang malusog, walang sirang retina ay mahalaga para sa malinaw na paningin ng mata. Ang mga choroidal neovascular membrane (CNVM) ay mga bagong daluyan ng dugo na nabubuo sa ilalim ng retina at nagdudulot ng pinsala. Ang choroid ay kung saan nabubuo ang mga bagong daluyan ng dugo na ito; nagagawa nilang lampasan ang choroid-retina barrier. Nagdudulot din sila ng pagkawala ng paningin kapag tumagas ang mga ito sa retina.

Ang CNVM ay naiugnay sa ilang mga sakit sa mata, ang pinakamadalas ay ang wet age-related macular degeneration. Ang lahat ng mga pasyenteng may histoplasmosis, ocular damage, at myopic macular degeneration ay may CNVM.

ano ang choroidal neovascular membranes

Mga Sintomas Ng Choroidal Neovascular Membrane

Maaari kang makaranas ng walang sakit na pagkawala ng paningin kung mayroon kang CNVM. Maaaring kapansin-pansin ang mga blangkong patches sa iyong paningin, lalo na sa iyong gitnang paningin. Maaaring lumitaw ang mga tuwid na linya na kurbado, baluktot, o hindi pantay dahil apektado ang iyong paningin.

Ang iba pang palatandaan at sintomas na dapat tignan ay:

  • Sa magkabilang mata, ang mga bagay ay lumilitaw na may iba’t ibang laki.
  • Nawawala ang sigla ng mga kulay o maaaring hindi pareho ang hitsura sa magkabilang mata.
  • Sa gitnang paningin, maaaring makakita ng mga ilaw na kumikislap.

ano ang choroidal neovascular membranes

Sino Ang Nasa Panganib?

Ang mga taong higit sa edad na 50 ay mas malamang na magkaroon ng choroidal neovascular membranes (CNVM). Habang tumatanda, tumataas ang panganib. Ang karamihan ng mga pasyente na may CNVM ay may wet age-related macular degeneration.

Maaaring umunlad ang CNVM sa mas batang edad kung may mga risk factors para sa iba pang mga sakit sa mata o nagkaroon ng injury sa mata.

ano ang choroidal neovascular membranes

Pagsusuri Ng Choroidal Neovascular Membranes

Ang iyong ophthalmologist ay kukuha ng mga partikular na larawan ng iyong mata upang masuri ang choroidal neovascular membranes (CNVM). Ang fluorescein angiography (FA) at optical coherence tomography (OCT) ay ginagamit upang kumuha ng litrato ng mga mata.

Ang isang fluorescein dye ay iniinject sa isang ugat sa iyong braso sa ilalim ng FA. Ang tina ay umaabot sa bawat bahagi ng iyong katawan, kabilang ang iyong mga mata. Habang dumadaloy ang tina sa iyong mga daluyan ng dugo sa retina, kinokolekta ng FA ang mga larawan ng mga ito. Ang dye ay nagpapakita ng mga abnormal na spot, na nagpapakita kung mayroon kang choroidal neovascular membranes.

Ang isang cross-section na imahe ng iyong retina ay nililikha gamit ang OCT scanning. Nakakatulong ang larawang ito sa pagtuklas ng mga abnormal na daluyan ng dugo.

ano ang choroidal neovascular membranes

Paggamot Ng Choroidal Neovascular Membranes

Ang paggamot para sa choroidal neovascular membranes (CNVM) ay nag-iiba batay sa pinagbabatayan na kondisyon. Ang mga anti-VEGF na gamot, thermal laser treatment, o photodynamic therapy (PDT) ay lahat ng opsyon para sa paggamot. Maaari kang makatanggap ng isa o higit pa sa mga therapies na ito, depende sa kung gaano na kalala ang pag-unlad ng iyong kondisyon.

 

Anti-VEGF Therapy

Ang mga gamot na anti-VEGF ay isang karaniwang paggamot para sa CNVM. Gumagana ang mga gamot na ito sa pamamagitan ng pag-target sa isang substance sa iyong katawan na nagiging sanhi ng abnormal na mga daluyan ng dugo na mabuo sa ilalim ng retina. Ang pagblock ng VEGF substance sa iyong mata ay nagpapababa sa tiyansa ng pagbuo ng CNVM, binabawasan ang pagtagas, binabawasan ang pagkawala ng paningin, at pinapabuti ang paningin sa ilang mga sitwasyon.

Sa isang outpatient na pamamaraan, ang iyong ophthalmologist ay mag-iinject ng anti-VEGF na gamot diretso sa iyong mata. Ang iyong ophthalmologist ay maglilinis at magpapamanhid ng iyong mata bago ibigay ang injection. Maraming mga anti-VEGF injection ang maaaring ibigay sa loob ng ilang buwan. Para sa patuloy na benepisyo, ang mga anti-VEGF na therapy ay madalas na kinakailangan.

 

Photodynamic Therapy (PDT)

Tina-target ng PDT ang CNVM gamit ang isang photosensitizer, isang light-activated na gamot, at isang low-power, o cool, laser. Ang pamamaraan na ito ay karaniwang ginagawa sa opisina ng isang ophthalmologist bilang outpatient procedure. Ang isang ugat sa iyong braso ay tinuturukan ng photosensitive substance. Kumakalat ito sa buong katawan, sa kalaunan ay umaabot sa abnormal na mga daluyan ng dugo. Ang laser ay direktang nakatuon sa abnormal na mga ugat, na nagiging sanhi ng pag-activate ng gamot. Dahil ang mga abnormal na daluyan ng dugo ay maaaring magbukas muli pagkatapos ng PDT, maaari kang mangailangan ng mga paulit-ulit na paggamot.

 

Thermal Laser Treatment

Ang thermal laser therapy ay isa pang opsyon sa paggamot para sa CNVM. Sa karamihan ng mga kaso, ang paggamot sa laser ay isinasagawa bilang isang outpatient procedure. 

Sa prosesong ito, gumagamit ng high-energy, focused beam of light sa isang laser. Kapag tinamaan nito ang lugar ng paggamot ng retina, nagdudulot ito ng minor na sunog. Ang abnormal na mga daluyan ng dugo ay nawawasak dito, na naglilimita sa karagdagang pagtagas, pagdurugo, at paglawak.

Related Posts

High Cholesterol and Its Effect on Vision

Mataas na Cholesterol at ang Epekto Nito sa Paningin

Alam mo ba kung gaano kataas ang cholesterol mo? Marami sa atin ang marahil hindi...
Sepsis and Vision Loss

Sepsis at Pagkawala ng Paningin

Karamihan sa mga tao ay nagkakasakit paminsan-minsan, tulad ng trangkaso o impeksyon sa sinus. Sa...
Why Do I Have Colored Rings Around The Iris?

Bakit Ako May Makulay na Mga Singsing sa Paligid ng Iris?

Maaaring may mga pagkakataon na tumingin ka sa salamin at napansin mong hindi magkapareho ang...