Ang iridocorneal endothelial syndrome ay isang bihirang uri ng glaucoma na karaniwang nangyayari lamang sa isang mata. Ang kondisyong ito ay sanhi ng pagkalat ng mga cells sa likod ng cornea patungo sa drainage tissue ng mata at iris. Ito ay humahantong sa pagtaas ng presyon sa mata na maaaring makapinsala sa optic nerve. Ang mga cell na ito ay nagkakaroon din ng mga pandikit o adhesions na syang nagkakabit ng iris sa cornea na maaring humantong sa tuluyang pagbara ng mga drainage channels.
Ang iridocorneal endothelial syndrome ay nadiskubreng nakakaapekto nang higit sa mga kababaihan kaysa sa mga lalaki at karaniwang nasusuri sa midlife. Kasama sa mga sintomas ng kondisyong ito ang malabo na paningin pagkagising at pagkakita ng halos sa paligid ng mga ilaw. Ang kondisyong ito ay mahirap gamutin at kahit ang laser therapy ay maaaring hindi maging epektibo. Karaniwan, ang iridocorneal endothelial syndrome ay pangmatagalang ginagamot at kadalasang ginagamitan ng mga filtering surgeries.
3 Pangunahing Katangian Ng Iridocorneal Endothelial Syndrome (ICE)
Ang iridocorneal endothelial syndrome (ICE) ay itinuturing na isang bihirang kondisyon. Ang tatlong pangunahing katangian nito ay kinabibilangan ng:
● mga pagbabago sa iris
● anyo ng glaucoma
● pamamaga ng kornea
Ang kondisyong ito ay nauugnay sa isang pangkat ng mga kundisyon na nakakaapekto sa mga corneal cells at sa iris. Nagsasangkot ito ng mga cells na nagdidikit ng mga kornea sa iris na sanhi ng pamamaga ng kornea at pagbaluktot ng iris at ng mga pupils.
Habang lumilipat ang mga corneal cells na ito, hinaharangan nila ang mga tisyu ng drainage at nagiging sanhi ng pagbara ng likido sa mata na sanhi ng pagtaas ng presyon sa mata o glaucoma.
Sino Ang Nasa Panganib Para Sa Iridocorneal Endothelial Syndrome (ICE)?
Research shows that this condition affects more women than men, more specifically, light-skinned women. Usually, a person may develop this syndrome at middle age and affects only one eye.
Mga Sanhi Ng ICE
Ang mga sanhi ng ICE ay hindi pa ganap na nauunawaan at napapatunayan. Bagaman, iminungkahi ng ilang mga optalmolohista na ang isang virus tulad ng herpes simplex ay maaaring magpalitaw ng kundisyong ito. Ang virus na ito ay maaaring maging sanhi ng pamamaga ng cornea.
Mga Sintomas At Pagsusuri Sa ICE
Ang mga taong may ICE ay maaaring makaranas ng sakit sa mata o malabong paningin sa isang mata o makakita ng kapansin-pansin na mga pagbabago sa iris o pupils.
Upang masuri ang ICE, ang isang optalmolohista ay kailangang magsagawa ng isang kumpletong pagsusuri sa mata na sinusundan ng iba pang mga tests. Karaniwang lalabas sa mga resulta ng mga pagsusuri na ito ay ang mga sumusunod:
● pamamaga ng kornea
● mataas na presyon ng mata (glaucoma)
● mga pagbabago sa iris
Paano Magagamot Ang ICE?
Kasalukuyang walang lunas ang ICE. Ang mga pagpipilian sa paggamot ay karaniwang nakatuon lamang sa pagkontrol sa glaucoma. Kasama sa paggamot sa glaucoma ang mga gamot o operasyon upang makatulong na mabawasan ang presyon sa mata.
Ang iyong doktor sa mata ay maaaring magreseta ng gamot upang mabawasan ang pamamaga ng kornea. Sa matinding kaso, maaaring kailanganin ang isang corneal transplant.