Karaniwan para sa mga tao na malaman na ang mataas na presyon ng dugo at mga sakit sa puso ay may panganib sa pangkalahatang kalusugan. Ngunit, hindi karaniwang alam ng mga tao na nakakaapekto rin ang mataas na presyon ng dugo sa ating paningin. Maaaring maapektuhan ang paningin kung ang pinsala ay umabot na sa mga arteries ng mata.
Ano ang retinal artery occlusion? Ang isang pagbara sa mga arteries ng retina ay kilala bilang retinal artery occlusion (RAO). Ang pagbara ay maaaring sanhi ng isang clot, occlusion, o build-up ng kolesterol sa artery. Ang karamihan ng mga tao ay hindi pamilyar sa ganitong uri ng kundisyon ngunit malaki ang pagkakahawig nito sa isang stroke.
Ito ang dalawang uri ng retinal artery occlusion (RAO):
- Kung ang mga maliliit na artery sa retina ay barado, ito ay tinatawag na branch retinal artery occlusion (BRAO)
- Kung ang gitnang artery sa retina ang naapektuhan, ito ay tinatawag na central artery occlusion (CRAO). Ito ay isang anyo ng isang stroke sa mata na nangangailangan ng pagsusuri at paggamot sa lalong madaling panahon.
Ang pinakakaraniwang uri ng RAO ay ang central retinal artery occlusion. Kung ito ang nangyari sa iyo, maaaring mahihirapan kang gamitin ang iyong paningin. Maaari mong makita ang paggalaw ng kamay ngunit walang mga detalye na higit pa rito. Kung ang pagbara sa maliliit na mga ugat ay hindi gaanong seryoso, ang paningin ay maaaring bumalik sa normal sa halos 80%.
Ano Ang Mga Sintomas Ng Retinal Artery Occlusion?
Kung ito ay isang kaso ng central retinal artery occlusion (CRAO), maaari itong makaapekto sa buong isang mata ngunit kung ito ay isang kaso ng branch retinal artery oklusi (BRAO) maaari itong makaapekto sa bahagi lamang ng isang mata. Ang pangunahing sintomas ay isang biglaang pagbabago ng paningin ngunit walang pananakit.
Ito ang mga sumusunod na sintomas ng retinal artery occlusion:
- biglaang pagkawala ng paningin
- walang pananakit na pagbabago sa iyong paningin
- pagkawala ng paningin sa gilid o peripheral vision
- malabong na paningin
- blind spot
Kung nakaranas ka ng alinman sa mga sumusunod na sintomas, mahalagang humingi kaagad ng tulong medikal. Ang pagkaantala ng paggamot ay maaaring humantong sa pagkawala ng paningin.
Sino Ang May Mataas Na Panganib Na Magkaroon Ng Retinal Artery Occlusion (RAO)?
Mas madalas makaranas ng retinal artery occlusion ang mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan. Karaniwang tumatama ang sakit pagtungtong ng 60’s. Kung mayroon kang alinman sa mga sumusunod na karamdaman, pinapataas nito ang iyong panganib na magkaroon ng retinal artery oklasyon:
- naninigarilyo
- sakit sa puso
- diabetes
- mataas na kolesterol
- mataas na presyon ng dugo o hypertension
- pagkitid ng carotid o ugat ng leeg
- vasculitis
- sakit sa bato
- clotting disorders
- pinsala mula sa radiation treatments