Ano Ang Snow Blindness At Paano Ito Maiiiwasan

Sa kabila ng pananakit at pagkakaroon ng pansamantalang pagkawala ng paningin, ang snow blindness ay madaling maiiwasan. Ang kondisyong ito ay sanhi ng sobrang pagkakalantad sa mga sinag ng UV mula sa araw. Ang photokeratitis ay ang terminong medikal para sa snow blindness.

Ang snow blindness ay isang sunburn sa mata o mas partikular, sunburn sa kornea. Karaniwan, sa oras na madama mo ang anumang mga sintomas ng snow blindness, ikaw ay marahil nasa ilalim ng araw sa loob ng napakahabang oras gaya na lamang ng kung paano nangyayari ang sunburn sa balat. 

 

Ang Snow Blindness Ay Hindi Nangangailangan Ng Literal Na Niyebe

Ang salitang “snow blindness” ay naging tanyag lamang dahil ang niyebe ay highly reflective sa ultraviolet radiation. Maaaring ireflect ng niyebe ang higit sa 80% ng mga sinag ng UV. Isa pang bagay, ang snowboarding at skiing ay karaniwang ginagawa sa mataas na altitude kung saan mas malakas ang tama ng mga sinag ng UV ng araw. Gayunpaman, ang isang nasunburn na kornea ay maaari pa ring maganap kahit walang niyebe dahil ang mga aspalto, tubig, at buhangin ay nagrereflect din ng UV. 

Ang snow blindness ay maaaring maging sanhi ng pansamantalang pagkawala ng paningin at para bang nasusunog na mga mata sa loob ng 24-48 na oras pagkatapos magbabad sa ilalim ng araw. Bukod sa araw, ang mga UV rays na gawa ng tao ay maaari ring maging sanhi ng snow blindness o photokeratitis tulad ng isang welder’s torch, sun lamps, at mga tanning booth. Ang pinsala dulot ng mga ito ay mas kilala bilang “flash burn” ng kornea.

ano ang snow blindness

Mga Sintomas Ng Snow Blindness

Ang snow blindness ay kadalasang may delayed na mga sintomas na kinabibilangan ng:

  • Tila nasusunog, pula, at masakit na mga mata
  • Gritty na pakiramdam o parang may isang bagay na nasa loob ng mata
  • Sensitivity sa ilaw
  • Namamaga ang mga talukap ng mata
  • Nagtutubig na mga mata
  • Glare at halos sa paligid ng mga ilaw
  • Sakit ng ulo o headache
  • Malabong paningin

 

Paggamot Sa Snow Blindness

Ang mga minor na sintomas ng sunburned na mga mata ay kadalasang nalulutas sa kanilang sarili nang walang paggamot pagkatapos ng isang araw o dalawa. Iwasang magsuot ng mga contact lens hanggang sa ganap na gumaling ang iyong mata. Mahusay na panatilihing basa ang mga mata gamit ang artipisyal na luha upang maibsan ang sakit at discomfort.

Para sa karagdagang kaginhawaan, manatili sa loob ng bahay, magsuot ng mga sunglasses pag lumalabas, at gumamit ng mga over-the-counter na mga pain reliever ngunit mag-ingat sa labis na dosage at mga allergic reaction.

Huwag kailanman kuskusin ang iyong mga mata habang nagpapagaling pa sila. Maaari kang maglagay ng cool, dampened na tela sa saradong mga talukap para sa dagdag na ginhawa. Kung ang mga sintomas ay lumalala o nagpatuloy nang higit sa isang araw o dalawa, makipag-ugnay kaagad sa iyong doktor.

ano ang snow blindness

Pag-iwas Sa Snow Blindness

Napakadaling maiwasan ang snow blindness. Ito ay kasing dali ng pagsusuot ng mga sunglasses na maaaring harangan ang 100% ng mga sinag ng UV at mapoprotektahan ang buong mga mata.

Ang mga sun-sensitive photochromic lens ay isang mas convenient na pag-iwas. Tandaan na ang mga sinag ng UV ay maaaring tumagos sa mga ulap kaya’t maaari paring mapanganib na manatili sa labas nang walang proteksiyon na salamin sa mata kahit sa isang maulap na panahon.

Para sa pinakamainam na proteksyon, piliin ang mga snow o sports glasses kapag gagawa ng mga aktibidad sa ilalim ng araw. Naglalaman ang mga ito ng mga panangga sa gilid at isang malambot na gomang flange na maaaring ganap na harangan ang sikat ng araw mula sa pagtagos sa iyong mga mata mula sa mga gilid, sa itaas, at sa ibaba.

Related Posts

Ano ang Mangyayari Kung Pumasok ang Buhangin sa Aking Mga Mata?

Sa tag-araw, ginugugol ng karamihan sa mga tao ang kanilang oras sa pag-e-enjoy sa isang...

Pag-unawa sa Puting Bahagi ng Mata

Ang sclera ay tumutukoy sa puting bahagi ng mata. Ang anterior sclera ay nagpapakita lamang...

Operasyon sa Pagtanggal ng Mata: Bago at Pagkatapos ng Enucleation at Evisceration

Sa araw ng iyong operasyon, ang mangyayari bago at pagkatapos ng operasyon sa pagtanggal ng...