Histoplasmosis: Ano Ang Dapat Mong Malaman

Ang histoplasmosis ay isang sakit na nakukuha sa pamamagitan ng paglanghap ng mga infected na spores sa hangin. Gumagawa ang fungus histoplasma capsulatum ng mga spore na siyang nagiging sanhi ng sakit na ito. Sa madaling sabi, ang mikroskopiko na fungus na ito ay kilala bilang histo. Kapag ginambala ng mga tao ang lupa sa pamamagitan ng pag-aararo ng bukid, pagwawalis ng mga bahay ng manok, o paghuhukay ng mga butas, humahalo ito sa hangin.

Ang histoplasmosis ay nakakahawa sa pamamagitan ng baga. Naniniwala ang mga doktor na ang impeksyon ay kumakalat sa mata sa pamamagitan ng daluyan ng dugo, kahit na ito ay minor pa lamang. Maaari itong maging sanhi ng isang matinding karamdaman sa mata na tinatawag na presuming ocular histoplasmosis syndrome (POHS) kung makarating ito sa mata. Ang POHS ang nangungunang sanhi ng pagkawala ng paningin sa mga taong may edad 20 hanggang 40 sa Estados Unidos.

Mga Sintomas Ng Histoplasmosis

histoplasmosis

Ang impeksyon sa histoplasmosis ay madalas na banayad lamang at hindi kapansin-pansin. Ang ilang mga sintomas ay maaari ding maging katulad ng sa isang karaniwang sipon. Sa katotohanan, kung mayroon kang mga sintomas ng histoplasmosis, maaari kang maniwala na mayroon ka lamang sipon o trangkaso. Ito ay dahil ang immune system ng katawan ay karaniwang natatalo ang impeksyon sa loob ng ilang araw kahit walang gamot.

Sa mga unang yugto ng POHS, madalas itong walang sintomas. Posibleng magkaroon ng POHS nang hindi namamalayan. Matapos humupa ang pamamaga, ang maliliit na galos na kilala bilang mga histo spot ay mananatili sa mga lugar ng impeksyon. Ang mga histo spot na ito ay maaaring ang tanging paraan upang matukoy kung mayroon kang impeksyon. Ang mga spot ng histo ay hindi karaniwang pumipinsala sa paningin. Maaari silang magsanhi ng mga problema makalipas ang ilang taon o kahit na mga dekada sa kadahilanang hindi maipaliwanag ng mga dalubhasa. Ang mga histo spot ay naiugnay sa pag-litaw ng hindi regular na mga daluyan ng dugo sa ilalim ng retina.

Kung ang mga irregular na daluyan ng dugo na ito ay lumawak sa mga lugar ng retina na kritikal para sa mabuting paningin, maaaring lumitaw ang mga sintomas ng histoplasmosis. Ang mga palatandaan ng POHS ay malapit sa mga macular degeneration.

Mga palatandaan at sintomas na ito ay kinabibilangan ng:
● mga blank spot sa iyong paningin, lalo na sa gitna
● malinaw na mga linya ay lumilitaw na baluktot o hindi regular dahil sa malabong paningin
● Ang laki ng mga objects ay maaaring lumitaw na magkakaiba para sa bawat mata
● Nawawalan ng mga kulay ang paningin, at maaring hindi magkapareho ang mga kulay na nakikita sa bawat mata
● Kumikislap o nagfiflicker na mga ilaw sa paningin

Sino Ang Madaling Kapitan Ng Histoplasmosis?

histoplasmosis

Ang mga taong lumaki sa Ohio at Mississippi River Valley ay nasa mas mataas na peligro. Maraming mga tao ang nahawahan ng fungus na nagdudulot ng histoplasmosis, ngunit isang maliit na porsyento lamang ang nagdudulot ng POHS. Kung alam mong mayroon kang histoplasmosis, abangan ang mga pagbabago sa paningin na maaaring magpahiwatig ng mga sintomas ng POHS.

Ang karamihan ng mga tao na mayroong histoplasmosis ay walang kamalayan dito. Kung nakatira ka na sa isang lugar kung saan laganap ang histoplasmosis, suriin ang iyong mga mata para sa mga histo spot.

Related Posts

Ano ang Mangyayari Kung Pumasok ang Buhangin sa Aking Mga Mata?

Sa tag-araw, ginugugol ng karamihan sa mga tao ang kanilang oras sa pag-e-enjoy sa isang...

Pag-unawa sa Puting Bahagi ng Mata

Ang sclera ay tumutukoy sa puting bahagi ng mata. Ang anterior sclera ay nagpapakita lamang...

Operasyon sa Pagtanggal ng Mata: Bago at Pagkatapos ng Enucleation at Evisceration

Sa araw ng iyong operasyon, ang mangyayari bago at pagkatapos ng operasyon sa pagtanggal ng...