Kahalagahan ng Calcium Sa AMD o Age-related Macular Degeneration

Ayon sa isang makabagong pagsasaliksik, mas makakaiwas ka sa age-related macular degeneration kapag madalas kang kumain ng mga pagkaing sagana sa calcium. Mayroong namang isang ulat na sumasalungat sa resulta ng pag-aaral na ito na nagsabing ang labis na calcium ay mas mapapataas ang tiyansa na magkaroon ka ng AMD. Ayon kay Emily Chew, isang mananaliksik sa National Eye Institute, ang dahilan sa likod ng magkakaibang mga resulta sa dalawang pag-aaral ay hindi sapat na data. Wala sa mga pag-aaral ang may kumpletong kwento kung kaya’t kailangan pa ng mas masuring pananaliksik.

Maaga pa upang makagawa ng mga konklusyon pagkatapos ng isang pag-aaral dahil walang sapat na katibayan upang suportahan ito. Maraming pag-aaral pa ang kailangang gawin upang makapagbigay ng mas maaasahang sagot. Ang calcium ay hindi isang bagay na dapat alalahanin sa AMD tulad ng nabanggit ni Dr. Chew. Ang mga pasyente na may AMD ay dapat na ipagpatuloy ang mga calcium supplements at diet health plans na kasalukuyang mayroon sila. Ang isang malusog na pamumuhay ay mabuti para sa pangkalahatang kalusugan pati na rin ang kalusugan ng mata. Ang mga taong may mga diet na mayaman sa nutrients, regular na nageehersisyo, at umiiwas sa paninigarilyo ay mas malayong magkaroon ng mga sakit tulad ng AMD.

kahalagahan ng calcium sa amd

Maaari Ba Akong Uminom Ng Mga Calcium Supplements Kung Mayroon Akong Age-related Macular Degeneration?

Mahalagang makipag-usap sa iyong doktor sa mata bago idagdag o baguhin ang iyong diyeta. Humingi ng kanilang payo tungkol sa pagdaragdag ng mas maraming calcium sa iyong mga pagkain. Kung mayroon kang AMD, dapat kang makipag-ugnayan sa iyong doktor sa mata bago magsimulang uminom ng kahit anong karagdagang mga bitamina. Ang iyong optalmolohista ang pinaka-nakakaalam pagdating sa kondisyon ng iyong mata kaya napakahalagang kumonsulta muna bago gawin ang anumang pagbabago sa iyong lifestyle.

kahalagahan ng calcium sa amd

Paano Mapanatili Ang Malusog Na Mga Mata

Maaari itong magtunog na paulit-ulit ngunit mahalagang bigyang-diin upang simulan ang pagkakaroon ng isang malusog na pamumuhay upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga sakit sa mata tulad ng AMD. Ito ang mga gabay na maaari mong sundin upang mapanatili ang malusog na mga mata:

  • Magkaroon ng malusog na diyeta sa pamamagitan ng pagkain ng mga gulay at prutas.
  • Iwasang manigarilyo. Kung ikaw ay naninigarilyo, mas makabubuting huminto ka na ngayon kung nagmamalasakit ka sa iyong pangkalahatang kalusugan.
  • Tiyaking magkaroon ng regular na mga pagsusuri sa mata. Mahalagang gawin ito ng regular sapagkat ito ay isang paraan upang makita ang anumang mga kundisyon sa mata bago pa mahuli ang lahat.
  • Kailangan mong malaman ang kasaysayang medikal ng iyong pamilya lalo na kung ang iyong mga kapamilya ay nagkaroon ng AMD o iba pang mga sakit sa mata. Mas mahusay na malaman ang iyong mga risk factors bago pa lumala ang iyong kundisyon. 

Related Posts

Ano ang Mangyayari Kung Pumasok ang Buhangin sa Aking Mga Mata?

Sa tag-araw, ginugugol ng karamihan sa mga tao ang kanilang oras sa pag-e-enjoy sa isang...

Pag-unawa sa Puting Bahagi ng Mata

Ang sclera ay tumutukoy sa puting bahagi ng mata. Ang anterior sclera ay nagpapakita lamang...

Operasyon sa Pagtanggal ng Mata: Bago at Pagkatapos ng Enucleation at Evisceration

Sa araw ng iyong operasyon, ang mangyayari bago at pagkatapos ng operasyon sa pagtanggal ng...