7 Kakaibang Kundisyon Sa Mata

Hindi alam ng karamihan ang mga kakaibang kundisyon ng mata. Kapag nakarinig sila ng mga bagay tulad ng mabuhok na mata, pulang mata, cat eyes, at duguang luha, iniisip nilang nasa pelikula lang ang lahat. Mukhang kathang-isip, ang mga ito ay tunay na kondisyon nanararanasan ng mga bihirang tao.

Posible bang magkaroon ng isang mabuhok na eyeball? Oo, dahil sa katunayan ito ay naranasan ng isang 19-taong-gulang na lalaking Iranian. Nagkaroon siya ng limbal dermoid, isang bihirang cyst, sa kanyang kanang eyeball kung saan tumtubo ang buhok. Ang tumor ay binubuo ng mga cell ng balat na namisplace sa mata noong siya ay nasa sinapupunan ng kanyang ina.

Naiulat na ang mga limbal dermoids ay hindi pangkaraniwan kung saan ang isang doktor ng mata ay maaaring makaharap ng isa o dalawang mga kaso lamang sa kanyang buong career. Ang limbal dermoids ay maaaring maging sanhi ng malabong paningin o astigmatism ngunit hindi maaaring magdulot ng mas masahol na mga problema sa paningin dahil hindi ito nakakaapekto sa gitna ng kornea.

Ang mga pulang mata ay karaniwan sa mga kuneho ngunit hindi sa mga tao. Ang dahilan kung bakit nangyayari ang mga pulang mata ay dahil sa albinism na sanhi ng hindi sapat na paggawa ng melanin. Ang mga daluyan ng dugo sa likod ng iris ay responsable para sa pulang kulay ng mata.

Ang mga mata ng pusa o cat eye ay isang napakabihirang kondisyong chromosomal na nagbibigay sa iyo ng mga matang kahawig ng pusa dahil sa kawalan ng tisyu sa mata. Ang mga pupils ay nagmumukhang makitid habang tinutulak nito paloob ang sarili sa iris.

7 strangest eye conditions

Posible Bang Magkaroon Ng Dalawang Iba’t Ibang Kulay Na Mga Mata?

Ipinagpapalagay ng maraming tao na kung makakakita sila ng isang taong may dalawang magkakaibang kulay na mata, maaring sila ay nakacontact lens lamang. Ngunit, ang isang karamdaman na kilala bilang heterochromia ay isang benign na kondisyon kung saan ang mga tao ay maaaring may dalawang magkakaibang kulay sa loob ng pareho o magkabilang mga mata.

Bukod sa pagkakaroon ng dalawang magkakaibang kulay na mga mata, maari ring magkaroon ng dalawang kulay sa loob ng iisang mata. Ang polycoria ay isang bihirang kondisyon kung saan mayroon kang dalawang pupils sa isang mata. Mayroong “true” polycoria at “false” polycoria.

  • Ang true polycoria ay tumutukoy sa dalawa o higit pang mga pupil ng mata na maaaring magconstrict at magdilate nang magisa dahil may sarili itong sphincter.
  • Ang false polycoria o pseudopolycoria ay nangangahulugang dalawa o higit pang mga pupil sa maya ngunit ang mga ito ay butas lamang sa pangunahing iris kaya wala silang kakayahan na magconstrict at magdilate magisa.

7 strangest eye conditions

Totoo Ba Na Ang Isang Tao Ay Maaaring Umiyak Nang May Dugo?

Ang haemolacria ay isang bihirang karamdaman na tumutukoy sa pag-iyak ng dugo na naiulat noong ika-16 na siglo. Itinuring ito ng mga tao na isang relihiyosong tanda na katulad ng stigmata. Ipinapakita ng isang pag-aaral noong 1991 na 18 porsyento ng mga fertile na kababaihan ang may dugo sa kanilang luha kumpara sa 7-8 porsyento lamang sa mga buntis na kababaihan o mga post-menopausal. Ang mga kundisyong ito ay bihira lamang makita sa loob ng maraming taon. Ang sanhi ng kondisyong ito ay nanatiling hindi alam.

Related Posts

3 Mga Tanda ng Mata ng may Bipolar Disorder Mania

Madaling makilala ang depresyon, kahit na ang uri na iniuugnay natin sa lumulubog na mga...
elephant optical illusion

Ilang Paa ang Nakikita Mo? Naging Palaisipan sa Internet ang Matalinong Elephant Optical Illusion na Ito

Isang simpleng sketch ng isang matalinong elephant optical illusion ang na-upload online ng isang user...

Tumutubo ba ang mga pilikmata kung hindi mo sinasadya na natanggal ang mga ito?

Araw-araw, karaniwang nawawala ang ilang hibla ng buhok natin na babalik pagkatapos ng ilang sandali....