Ang American Academy of Ophthalmology ay madalas na tinatanong kung ang pagpapagaling ba ng pasyente makatapos ang operasyon sa mata o ang pagkakaroon ng isang partikular na karamdaman ay maaaring pigilan ang isang indibidwal na sumakay ng eroplano. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa iyong paningin, dapat kang kumunsulta sa isang optalmolohista. Napakahalaga na magkaroon ng kamalayan na may mga pagkakataon na ang paglipad sa eroplano ay maaaring mapanganib sa iyong mga mata.
Kumunsulta sa iyong doktor tungkol sa iyong mga plano sa paglalakbay kung mayroon kang anumang operasyon. Alamin kung ano ang aasahan pagkatapos ng operasyon upang masubaybayan mo kung nakakaranas ka ng isang mapanganib na sintomas. Maaaring mas mainam ang pananatili sa bahay ng ilang araw – o hangga’t imungkahi ng iyong doktor – upang makaiwas sa mga komplikasyon. Dumalo sa lahat ng iyong mga follow-up appointments upang matiyak ng iyong doktor na maayos ang iyong paggaling.
Ligtas Ba Para Sa Akin Na Lumipad Pagkatapos Ng Aking:
Retinal Surgery
Dapat ka lamang lumipad pagkatapos na maayos ang iyong retina kung naniniwala ang iyong doktor na ito ay ligtas. Ang isang optalmolohista ay maaaring mangailangan ng pag-injection ng isang gas bubble sa isang detached o napinsalang retina upang mapanatili ito sa lugar habang nagpapagaling ito. Kung ang pasyente ay lilipad, pumupunta sa scuba diving, o gumagawa na mga aktibidad na mayroon malaking pagbabago sa air pressure, ang gas bubble sa loob ng mata ay maaaring lumaki ang sukat at maging mapanganib. Kung ang gas ay lumalawak sa loob ng mata, maaaring maganap ang pinsala at pagkabulag. Hanggang sa kumpirmahin ng iyong doktor na wala na ang gas bubble, dapat kang manatili sa normal na altitude. Hindi tulad ng isang gas, ang silicone oil bubble ay may kaunting mga hadlang pagdating sa paglipad.
Operasyon Sa Glaucoma
Ang pagbabago sa air pressure mula sa paglipad ay karaniwang hindi kailangang alalahanin pagkatapos ang operasyon sa glaucoma, maging ito man ay isang peripheral iridotomy, laser trabeculoplasty, shunt implantation, o ibang pamamaraan. Sa kasunod na araw ng operasyon, maaari ka ng lumipad. Gayunpaman, kumunsulta sa iyong doktor upang makakuha ng pag-apruba para sa iyong tukoy na kondisyon, at mag-follow up kung kinakailangan.
Operasyon Sa Retinal Tear
Ginagamit ang laser upang maibalik sa normal ang retina sa karamihan ng mga pagkakataon. Pagkatapos ng laser retina surgery, hindi kinakailangang iwasan ang paglipad. Sa kabilang banda, ang punit sa retina ay maaaring humantong sa retinal detachment, na karaniwang ginagamot ng pag-injection ng gas o likido sa mata. Kung ikaw ay lilipad, gas o likidong na-inject sa mata ay magiging isang malaking alalahanin.
Cataract Surgery
Hindi ka pipigilan ng regular na operasyon sa katarata mula sa paglipad. Hindi magiging problema ang pagsakay sa eroplano kung na-clear ka ng iyong doktor para sa mga pang-araw-araw na aktibidad. Siguraduhin lamang na hindi mo nakakalimutan ang iyong mga follow-up appointments. Ang paglipad ay hindi dapat alalahanin kahit na ang operasyon sa cataract ay may kaunting komplikasyon maliban nalang kung kakailanganing maglagay ng air o gas sa iyong mata bilang parte ng operasyon.
Karagdagang Surgery Sa Mata
Karamihan sa mga operasyon na kinasasangkutan ng panlabas na bahagi ng mata o mga takipmata, tulad ng operasyon ng pterygium (pagtanggal ng isang benign, fleshy growth sa mata) o pag-lift ng kilay, ay ligtas na lumipad sa kasunod na araw ng operasyon.
Kapag lumilipad pagkatapos ng anumang operasyon sa labas ng bahagi ng mata, ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing alalahanin:
- tiyaking dumalo sa mga follow-up appointments ng iyong doktor sa tamang oras
- panatilihin ang isang malusog na mata
- iwasang maging dry ang incision o tahi sa mata habang lumilipad.