Ang isang kondisyon sa mata na tinatawag na glaucoma ay pumipinsala sa optic nerve ng mata nang dahan-dahan. Ang ilang mga tao na may glaucoma ay walang kamalayan na mayroon sila nito. Karaniwang nawawala muna ang kanilang paningin bago mapansin ang anumang mga problema na mayroon sila sa kanilang mga mata. Mahalagang magkaroon ng regular na pagsusuri sa mata sapagkat malaki ang papel nito sa pagsalba ng paningin. Ang glaucoma ay maaaring magresulta sa pagkawala ng paningin na hindi na maibabalik. Hindi pa nadidiskubre ng mga optalmolohista kung paano mapipigilan ang pagbuo ng glaucoma. Sa kabutihan palad, may mga paraan upang maiwasan ang pagkawala ng paningin at pagkabulag na sanhi ng glaucoma.
Kung alam mo na nasa panganib ka na magkaroon ng glaucoma, bisitahin agad ang iyong optalmolohista para sa isang regular na pagsusuri sa mata. Ang glaucoma ay isang tahimik na magnanakaw ng paningin. Ang tanging paraan lamang upang makita ito ay sa pamamagitan ng pagsailalim sa mga pagsusuri sa mata. Sa mga unang yugto ng glaucoma, maaaring masubaybayan at gamutin ito ng mga optalmolohista. Kung mayroon kang glaucoma, tiyaking sundin ang mga reseta ng iyong mga gamot mula sa iyong doktor upang maiwasan mga malalang pinsala.
Ang pagprotekta sa iyong mga mata mula sa injury at sikat ng araw ay ilang mga paraan upang maiwasan ang pagkawala ng paningin mula sa glaucoma. Ang glaucoma ay maaaring mangyari dahil sa mga injury sa mata. Mahalaga na magsuot ng protective eyewear tuwing sumasali sa mga sports o habang nagtatrabaho sa bakuran. Mayroon ding ilang katibayan na nagsasabi na ang glaucoma ay maaaring sanhi ng mga sinag ng UV mula sa araw.
Ano Ang Tungkulin Ng Lifestyle Sa Glaucoma?
Patuloy na pinapaalalahanan ang mga tao na kumain nang maayos upang makakita ng maayos. Ang pagkain ng maraming mga berdeng gulay at mga prutas araw-araw ay pinoprotektahan ang iyong katawan at mga mata dahil sa mga bitamina at mineral na nilalaman nito. Iminumungkahi ng ilang mga pag-aaral na ang pagkonsumo ng mga eye-healthy na pagkain ay mas mahusay kaysa sa paginom ng mga bitamina pagdating sa pag-iwas sa glaucoma.
Siguraduhing mag-ehersisyo nang mabuti. Kung gumawa ka ng isang matinding ehersisyo, may posibilidad na tumaas ang presyon ng iyong mata habang tumataas ang rate ng iyong puso. Mas mahusay na gumawa ng regular na ehersisyo sa katamtamang bilis lamang upang maiwasan ang pagtaas ng presyon ng iyong mata. Mahalaga rin na banggitin sa iyong optalmolohista tungkol sa mga gamot na iniinom para sa presyon ng dugo dahil ang glaucoma ay maaaring lumala kapag masyadong bumaba ang presyon ng dugo habang natutulog.
Makakatulong Ba Sa Glaucoma Ang Pagtulog Ba Sa Tamang Posisyon?
Ang mga taong may glaucoma o nasa peligro para sa sakit ay pinapayuhan na iwasan ang pagtulog na nakasandal ang mga mata sa unan o sa braso. Iwasan ang mga posisyon na nakalaylay ang ulo dahil maaari nitong mapataas ang presyon ng mata. Kung mayroon kang exercise routine, konsultahin ang iyong doktor tungkol sa mga posisyon na dapat nakalaylay ang ulo. Magpasuri para sa OSA kung malakas kang humilik. Ang mga taong may obstructive sleep apnea (OSA) ay kilalang nasa peligro para sa glaucoma o isang mas seryosong sakit.