Kung sa tingin mo ay may kakulangan ka sa paningin ng kulay o kilala rin bilang color blindness, kailangan mong magpatingin sa iyong doktor sa mata. Upang matukoy kung ikaw ay may color blindness, ibibigay sa iyo ang isang pagsusuri para sa color blindness. May dalawang uri ng pagsusuri na maaaring ibigay:
- Screening tests na maaaring makita kung may problema sa paningin ng kulay.
- Quantitative tests na detalyadong nagtatakda ng uri at kalubhaan ng color blindness.
Mga Pagsusuri sa Color Blindness para sa Screening
Ang Ishihara Color Vision Test ay isang pangkaraniwang pagsusuri at malawakang ginagamit upang masuri ang color blindness. Ito ay ipinangalan kay Shinobu Ishihara, isang Japanese ophthalmologist na nagdisenyo ng pamamaraan noong 1917. Ang pagsusuri ay isang booklet na may mga pattern na bilog sa bawat pahina. Ang bawat pattern ay binubuo ng mga tuldok na may iba’t ibang kulay, liwanag, at sukat.
Habang isinasagawa ang pagsusuri, ang isang tao na may normal na paningin sa kulay ay makakakita ng numero na nabuo sa mga tuldok. Sa kabilang banda, ang taong colorblind ay makakakita ng ibang numero o hindi makikita ang numero.
Sa isang komprehensibong eye exam, 14 o 24 na plate ang ginagamit para sa screening, ngunit ang kumpletong pagsusuri ay may 38 plate. Ang mga taong may salamin sa mata ay tumitingin sa Ishihara plates gamit ang normal na ilaw ng kwarto. Para sa mga bata, maaaring hindi gaanong maaasahan ang Ishihara test para masuri ang kanilang color vision.
Ang mga imaheng kulay sa pagsusuri ay tinatawag na pseudoisochromatic plates. Gamit ang mga ito, nakabuo sila ng isang katulad na pagsusuri sa Ishihara Color Vision Test na tinatawag na ColorDx.
Ang ColorDx ay isang self-administered na computerized na color vision test. Isa itong app na madaling gamitin dahil maaaring i-download ito sa mga tablet. Hindi lang nito sinusuri ang genetic color blindness, kundi maaari rin nitong matukoy ang kakulangan sa paningin ng kulay na maaaring mabuo dahil sa mga problemang pang-paningin gaya ng glaucoma, multiple sclerosis, diabetic retinopathy, macular edema, at iba pa.
Mga Quantitative na Pagsusuri para sa Color Blindness
Upang malaman ang higit pa tungkol sa color blindness ng isang tao, isinasagawa ang isang quantitative color blind test. Isang popular na pagsusuri ang Farnsworth-Munsell 100 Hue Test. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga disk na may iba’t ibang hue upang bumuo ng isang continuum ng pagbabago ng mga kulay. Kung halos tumutugma ang pagkakasunod ng examiner sa pagkakasunod ng pagsusuri, mas tumpak ang kakayahan ng isang tao na makakita ng kulay.
Ang Farnsworth-Munsell D15 Test ay isang pinaikling bersyon na binubuo lamang ng 15 disk. Ang D15 test ay hindi kayang matukoy ang kalubhaan ng color blindness, ginagamit lamang ito para sa screening.