Maraming tao ang gumagamit ng contact lens bilang alternatibo sa paggamit ng salamin sa mata. Mas gusto nila ito kaysa sa salamin dahil mukhang natural at walang hassle sa frame. Mayroong itong likas na panganib kaysa sa karaniwang mga salamin gaya ng pagkakaroon ng mga peklat mula sa mga contact lens.
Dapat malaman ng mga tao na lahat ng bagay na inilalagay mo sa iyong mata ay nagpapataas ng iyong panganib para sa pinsala. Ang mga contact lens ay isang exception ngunit may mga hakbang na kailangan mong sundin upang maging ligtas at maiwasan ang pinsala.
Binabalaan ng mga doktor sa mata ang publiko tungkol sa hindi wastong pagkakabit ng mga contact lens dahil maaari itong makapinsala sa iyong paningin. Maaari kang makaranas ng mga sumusunod na sintomas kung ang iyong mga contact lens ay hindi tumpak ang sukat sa iyong mga mata na kinabibilangan ng pagkabawas ng visual acuity, pananakit ng mata, paghapdi, pakairita ng mga mata, malabong paningin, at halos sa paligid ng paningin.
Habang tumatagal ang pagsuot ng contact lens, mas nagiging hindi ito komportable. Maaaring may iba’t ibang posibleng komplikasyon ng contact lens. Kumunsulta sa iyong doktor sa mata kapag regular kang nakararanas ng alinman sa mga sintomas dahil maaaring kailanganin mo ng updated na contact lens fitting.
Maaari Ba Akong Magkaroon Ng Peklat Sa Paggamit Ng Contact Lens?
Kung ikaw ay may suot na contact lens, ang iyong araw ay maaaring magsimulang maganda at biglaang makaranas ng discomfort nang walang halatang dahilan. Ang discomfort ay maaaring mula sa malilit na micro-abrasion na bahagyang namamaga o naiimpeksyon. Mararamdaman mong naiirita ang iyong mga mata at masakit ang paggamit ng contact lens. Maaari mo ring obserbahan na ang iyong mata ay nagiging pula.
Upang matugunan ang problemang ito, iminumungkahi ng mga eksperto na huwag munang gamitin ang mga contact sa loob ng ilang araw hanggang makabalik ito sa normal na estado. Maaari mong ipagpalagay na ang lahat ay normal ngunit mayroong isang maliit na pagbabago na naganap kung saan ang inflamed spot sa iyong mata ay mukhang iba. Ang kornea ay lumilitaw na malinaw ngunit kapag may isang lugar na namaga pagkatapos ay gumaling, ito ay naging malabo na maaring ihalintulad sa peklat.
Makakatulong Ba Ang Lasik Sa Pagpapagaling Ng Mga Peklat Na Ito?
Ang ilang mga tao ay nag-iisip na ang LASIK ay maaaring ayusin ang mga peklat mula sa paggamit ng mga contact lens ngunit walang paraan na ito ay maaaring maging transparent. Ang mga peklat na ito ay hindi nakakaapekto sa iyong mga kwalipikasyon sa pagkuha ng LASIK at hindi nakakaapekto sa iyong paningin maliban kung ito ay malaki at batik-batik sa gitna ng kornea.
Gumagamit ang LASIK ng laser kung saan naka-program ang mga paggamot na partikular sa bawat mata. Kung nag-aalala ka tungkol sa iyong mga peklat, wala itong magiging problema sa LASIK. Tandaan na hindi kayang ayusin ng LASIK ang mga peklat ngunit hindi mo kailangang ayusin ang mga ito. Ang magandang paningin ang mahalaga sa kabila ng mga peklat sa kornea.