Ptosis o Drooping Eyelids

Ang paglaylay ng pang-itaas na takipmata sa isa o parehong mata ay tinatawag na ptosis. Ang kundisyong ito ay maaaring bahagya na maging kapansin-pansin o maaaring masakop nito ang buong pupils ng mata na siyang makakagambala sa paningin ng isang tao.

Ang ptosis na kilala rin bilang blepharoptosis ay maaaring magsimula sa pagsilang (congenital ptosis) o maaaring maganap sa pagtanda (acquired ptosis). Karaniwang naaapektuhan ng droopy eyelids o ptosis ang mga matatanda bilang normal na bahagi ng pagtanda at batay sa pananaliksik ng Mayo Clinic, ang congenital ptosis ay nangyayari sa 1 sa 42 na ipinanganak na mga sanggol sa US.

Mga Sintomas Ng Ptosis

Ang pinakalaganap na sintomas ng ptosis ay isang laylay na talukap na maaaring makaapekto sa isang mata (unilateral ptosis) o parehong mga mata (bilateral ptosis).

Ang mga taong may malubhang pagkalaylay ng mga talukap ay maaaring mahirapang makakita nang maayos. Minsan, maaaring kailanganin nilang iangat ang kanilang ulo para lang makakita sa ilalim ng mga laylay na takipmata. Maaari din nilang itaas ang kanilang mga kilay nang madalas upang subukang maiangat ang kanilang mga laylay na takipmata para sa mas malinaw na pagtingin.

Ang ptosis na sanhi ng pagtanda ay unti-unting nangyayari. Paghambingin ang iyong pinakabagong larawan sa isang kinunan mga 10-20 taon na ang nakalipas upang masubaybayan kung gaano na lumaylay ang iyong mga takipmata.

Ptosis

Mga Sanhi Ng Ptosis

Ang problema sa levators muscles na siyang responsable sa pag-angat ng mga takipmata ay ang sanhi ng ptosis. Maaari itong sanhi ng trauma, mga problema sa ugat, paglaki ng mata, stye, o iba pang pinagbabatayanang mga sanhi.

Sa mga may sapat na gulang, ang edad at labis na pagkuskos ng mata ay maaaring maging salarin sa likod ng pag-unat o paghina ng mga muscles sa mata na siyang humahantong sa ptosis. Ang sagging o laylay na mga takipmata ay maaari ring isa sa mga epekto ng operasyon tulang ng cataract surgery.

Ang mas malalang mga sanhi ng ptosis ay may kasamang mga isyung neurological at karamdaman sa paggalaw ng mata. Sa mga bihirang kaso, ang ptosis ay maaaring magpahiwatig ng stroke, nerve at muscle cancer, o tumor sa utak.

Paggamot Ng Ptosis

Ang ptosis surgery o blepharoplasty ay maaaring makatulong sa mahinang paningin na sanhi ng ptosis. Ang operasyong ito ay may layunin na pahigpitin ang mga levator muscles o alisin ang sobrang balat, taba, at tissue na maaring naipon sa takipmata.

Sa mga hindi pangkaraniwang mga kaso kung saan ang mga levator muscles ay labis na mahina, ang surgeon ay maaaring magsagawa ng isang pamamaraan na pahihintulutan ang mga muscles ng noo na maitaas pati ang takipmata. Sa congenital ptosis, inirerekumenda ang operasyon upang maayos ang mga problema sa paningin at maiwasan ang amblyopia sa apektadong mata.

Ptosis

Kailan Dapat Humingi Ng Tulong Sa Eksperto

Ang droopy eyelids o ptosis ay karaniwang hindi nakakapanakit at palatandaan lamang ng pagtanda sa mga may sapat na gulang. Subalit, ang ilang mga kaso ay maaaring mangailangan ng agarang atensyong medikal. Ayon sa Harvard Health, ang mga emergent na kasong ito ay kinabibilangan ng:

● Biglaang paglaylay ng mga takipmata na sinasamahan ng mga sintomas ng stroke tulad ng muscle weakness, paglabo ng paningin, matinding pananakit ng ulo, at kahirapan sa pagsasalita.
● Isang biglaang pagbagsak o mabilis na paglaylay ng takipmata
● Pamumula o pananakit ng nakalaylay na takipmata na sinasamahan ng lagnat at kahirapan sa paggalaw ng mata.

Related Posts

Posible Ba ang Transplant ng Buong Mata ng Tao

Posible Ba ang Transplant ng Buong Mata ng Tao?

Sa loob ng maraming siglo, sinusubukan ng mga siyentipiko na magtagumpay sa transplant ng mata....

Ang Epekto ng Aktibidad Sekswal sa Paningin

Hindi lahat ng tao ay pamilyar sa mga dokumentadong benepisyo ng positibong mga desisyon sa...
High Cholesterol and Its Effect on Vision

Mataas na Cholesterol at ang Epekto Nito sa Paningin

Alam mo ba kung gaano kataas ang cholesterol mo? Marami sa atin ang marahil hindi...