Ang photophobia ay isang discomfort na sanhi ng light sensitivity o intolerance sa liwanag. Ang mga sources ng liwanag gaya ng ilaw na fluorescent, sikat ng araw, at incandescent na ilaw ay maaaring maging sanhi ng discomfort at maaaring mangailangan ng pagsingkit o pagsara ng mga mata para guminhawa. Ang mga taong sensitibo sa liwanag ay maaaring makaranas ng mga sintomas gaya ng sakit ng ulo kasama ang irritation sa maliwanag na ilaw.
Mga Sanhi Ng Photophobia
Ang photophobia ay sintomas lamang ng iba’t ibang mga kundisyon tulad ng impeksyon o pamamaga sa mga mata, hindi ito isang sakit. Sa ilang mga kaso, ang pagiging sensitibo sa liwanag ay maaari ring sintomas ng isang sakit na hindi nauugnay sa mga mata tulad ng mga sakit na sanhi ng virus o sakit ng ulo dahil sa migraines.
Ang mga taong may mas light na kulay ng mata tulad ng asul at berde ay maaaring maging mas sensitibo sa ilaw lalo na kapag nalantad sa maliwanag na sikat ng araw. Ito ay sapagkat ang mga mas maitim na kulay na mga mata ay may higit na kulay o melanin upang maprotektahan ang mga mata mula sa liwanag.
Ang uveitis, corneal abrasion, at meningitis ay iba pang karaniwang sanhi ng photophobia. Ang pagiging sensitibo sa liwanag ay naiuugnay din sa mga irritation sa contact lens, repraktibong operasyon, detached na retina, at suburn. Ang photophobia ay malawak ding nauugnay sa botulism, albinism (kakulangan ng pigment ng mata), rabies, pagkabulag sa kulay, conjunctivitis, at pamamaga ng cornea.
Ang iba pang mga bihirang sakit tulad ng keratosis follicularis spinulosa decalvans (KFSD) kasama ang mga gamot tulad ng furosemide, tetracycline, at doxycycline ay pinaniniwalaang sanhi ng photophobia.
Paggamot Ng Photophobia
Ang pinakamahusay na paggamot para sa light sensitivity ay ang tugunan ang mga sanhi. Makipag-ugnayan sa iyong doktor tungkol sa pagtigil o pagpapalit ng gamot na maaaring maging dahilan ng pagkasensitibo sa liwanag.
Kung natural kang sensitibo sa liwanag, lumayo sa maliliwanag na mga silid o sikat ng araw. Subukang magsuot ng malalapad na mga sumbrero at sunglasses na may proteksyon laban sa ultraviolet (UV) kapag nasa labas at sa ilalim ng sikat ng araw. Isaalang-alang ang pagsuot ng mga salamin sa mata na may mga photochromic na lente na awtomatikong dumidilim sa labas upang hadlangan ang mga sinag ng UV mula sa araw.
Para sa karagdagang proteksyon laban sa maliwanag na sikat ng araw, magsuot ng polarized na sunglasses. Ito ay itinuturing na isa sa pinakamahusay na proteksyon laban sa nakakasilaw na mga reflection ng ilaw mula sa mga bagay tulad ng kongkreto, ilaw ng mga kotse, tubig, buhangin, niyebe, at iba pa.
Sa mga matinding kaso, ang pagsusuot ng isang prosthetic contact lens ay maaaring maging pinakamainam na solusyon. Ang mga contact lens na ito ay espesyal na idinisenyo upang magmukhang iyong sariling mga mata habang binabawasan ang dami ng ilaw na pumapasok sa mata at nagbibigay ng ginhawa.
Ang mga light-filtering shields na idinisenyo upang gumana kasama ang mga de-resetang salamin sa mata ay kapaki-pakinabang din sa pagiging sensitibo sa liwanag lalo na sa mga indoor na kapaligiran. Kumunsulta sa iyong doktor sa mata para sa pinakamahusay na mga pagpipilian na eyewear na nakatuon sa iyong mga pangangailangan.