Uveitis: Pamamaga Ng Mata

Ang Uveitis ay ang pamamaga ng gitnang layer ng mata na kilala bilang uvea. Ang layer na ito ay binubuo ng iris, choroid, at ciliary body ng mata.

Ang uveitis ay maaaring sanhi ng iba’t ibang mga kadahilanan tulad ng pinsala sa mata, nakakalason na kemikal, o inflammatory na sakit. Ang uveitis ay may iba’t ibang uri ayon sa lokasyon ng pamamaga. Ang iba’t ibang mga uri ng uveitis ay kinabibilangan ng:

Anterior uveitis ay ang pamamaga ng iris at ciliary body.
Posterior uveitis ay ang pamamaga ng choroid.
Diffuse uveitis o panuveitis ay ang pamamaga ng buong uvea.
Intermediate uveitis ay ang pamamaga ng cilliary body.

Maraming mga kaso ng uveitis ay chronic at maaaring makadulot ng maraming mga komplikasyon tulad ng katarata, mataas na presyon ng mata (IOP), retinal detachment, o glaucoma na maaaring humantong sa permanenteng pagkawala ng paningin. Karaniwang nakakaapekto ang uveitis sa mga taong nasa edad 20 hanggang 60 na nagdudulot ng 10% ng ligal na pagkabulag sa Estados Unidos lamang.

Mga Sintomas Ng Uveitis

Ang anterior uveitis ay maaring magdulot ng:

● Photophobia o pagkasensitibo sa ilaw
● Mapula o nananakit na mata
● Nabawasan na visual acuity

Ang posterior at immediate na mga uri ng uveitis ay karaniwang walang sakit. Ang mga kapansin-pansin lamang na sintomas na maaaring magawa ng mga ganitong uri ay ang malabong paningin at mga floaters na karaniwang nakikita sa parehong mga mata.

Uveitis

Mga Sanhi Ng Uveitis

Ang iba’t ibang mga uri ng uveitis ay maaaring sanhi ng mga systemic disorder o impeksyon kabilang ang mga:

Kawasaki’s disease
● Leptospirosis
● Psoriatic arthritis
● Lyme disease
● Multiple sclerosis
● Inflammatory bowel disease
● Syphilis
● Tuberculosis
● at maraming iba pang mga systemic disorder

Ipinakita rin ng pananaliksik na ang paninigarilyo ay maaring magdulot ng uveitis. Naglalaman ang usok ng sigarilyo ng mga pinaghalo na mga sangkap na maaring magdulot ng pamamaga ng mga daluyan ng dugo na syang maaring mauwi sa pagkagambala ng immune system at uveitis.

Uveitis

Paggamot Sa Uveitis

Ang mga corticosteroid eye drops, immunosuppressant therapy, oral steroids, at mga corticosteroid surgical implants ay ilan sa mga pinakamahusay na paggamot para sa uveitis.

Ginagamit ang mga corticosteroid implants upang gamutin ang posterior uveitis sa pamamagitan ng pagtatanim ng isang maliit na gamot (Retisert, Bausch + Lomb) sa likuran ng mata. Naghahatid ito ng pangmatagalan na doses ng gamot laban sa pamamaga upang masugpo ang uveitis.

Anumang kilalang sistematikong kondisyon na nakakadulot ng uveitis ay dapat ding gamutin. Kung nakakaranas ka ng pagiging sensitibo sa ilaw o photophobia, ang mga photochromic lenses ay maaaring makatulong bilang proteksyon sa mga mata mula sa masyadong maliwanang na kapaligiran. Ang mga salamin na ito ay awtomatikong nagdidilim sa labas at sa maliliwanag na lugar upang mabawasan ang discomfort na nauugnay sa photophobia.

Related Posts

Posible Ba ang Transplant ng Buong Mata ng Tao

Posible Ba ang Transplant ng Buong Mata ng Tao?

Sa loob ng maraming siglo, sinusubukan ng mga siyentipiko na magtagumpay sa transplant ng mata....

Ang Epekto ng Aktibidad Sekswal sa Paningin

Hindi lahat ng tao ay pamilyar sa mga dokumentadong benepisyo ng positibong mga desisyon sa...
High Cholesterol and Its Effect on Vision

Mataas na Cholesterol at ang Epekto Nito sa Paningin

Alam mo ba kung gaano kataas ang cholesterol mo? Marami sa atin ang marahil hindi...